Results 1 to 6 of 6
-
August 30th, 2008 07:29 PM #1
Hello sa lahat, bago lang ako dito... pero share ko lang bad experience ko with Toyota Alabang Inc.
Nagpaservice ako for my 1000km check...
Sabi nila it will take 3-4 hours to do, so I went home muna to do some other errands...
Pagbalik, OK na daw lahat, change oil, check up and everything. Hintayin ko na lang daw yung kotse, dadalhin sa akin then sila na magdadala hanggang exit.
Dumating na yung Yaris ko, malinis and all, kasama sa check up ang cleaning. (marumi siya nung pinasok ko kasi kakatapos lang ng ulan)
"Sir sakay na po kayo sa passenger seat, hahatid kayo hanggang labas"
Liable pa ata sila until mailabas yung kotse sa service area.
Buti na lang, naisip ko i check yung body ng kotse bago ako sumakay. Tapos nagulat na lang ako ng may makita akong yupi sa right side back door ko. Malaki laki din yung yupi, parang nabagsakan ng martilyo o kaya wrench. Walang natanggal na pintura pero malaki yung yupi.
Nagalit ako, "Wala yan nung pinasok ko! Tignan nyo pa yung checklist, yung sagi lang sa corner ng driver side door yung pananagutan ko. Aminin ko ako may gawa nun. Parada nyo ulit yan."
(yung sagi, bagong bago pa yung Yaris, pagbukas ko ng pinto pagkaparada ko sa bahay sumabit sa pader, pero pag sarado pinto, halos di naman kita... hehe... hassle din... first blood ng kotse)
Pinahitay pa nila ako, tapos may dumating na customer relations officer.
"Sir, kailangan pa po imbistigahan yung nangyari. Interview with the checker at lahat ng technician na humawak ng kotse."
Nung narinig ko yun, magwawala na sana ako,
"Yun ngang galos na maliit sa driver side, nakita ng checker, kaliit-liit lang tapos ito, ang laki laki sasabihin nyo di nyo kasalanan yan."
In the end, naisip ko na lang na gawin nila yung "SOP" nila. Wala na rin ako magagawa, nangyari na eh. Kinuhanan ng picture yung damage at ni note down. Dumating sa point na nasabi ko ata na palitan nila yung pintuan. Kabago bago ng sasakyan tapos may yupi agad, sa Toyota servicing pa nangyari. After ng usap, inuwi ko na yung kotse.
The next day, buti na lang okay yung CR officer na nakausap ko, mabilis, tinawagan ako the next day at inamin nila na sila may kasalanan. Aayusin daw nila. Pinaschedule yung pagpagawa, half day lang, ok na ulit. Pukpok lang ginawa since walang na-chip na pintura. Ok naman yung gawa, parang walang nangyari. Yun lang, SOBRANG laking abala at iniisip mo na pinukpok lang yung isang parte ng kotse mo na kaka1000km pa lang. hehe
kaya next time... check lang ng lahat ng pede i-check bago receive ng kotse. Feeling ko talaga tinry nila itago yung yupi sa akin eh. Ihahatid pa ako sa labas (Pero SOP ata talaga ang paghatid eh) tsk tsk... Ikaw ba naman nakagawa ng ganung yupi, di mo mapapansin o irereport. Pag nalabas ko na yung kotse, wala na akong claim na sila may gawa. Sabihin lang nila nangyari yun sa labas. Minalas lang ako sa yupi at sinuwerte na nakita ko. hehe
-
-
-
August 31st, 2008 01:54 PM #4
IMHO
isa sa pinakang palpak na toyota casa is toyota ortigas!
sinira as is literaly sinira yung connection ng reverse camera namin sa altis!!
-
September 2nd, 2008 06:31 PM #5
grabe nman yung sir.. pro glad to hear na kahit papano inayos nila.. pro dapat tlga maingat yung mga gumagawa.. dahil sagutin nla yung kotse na pumapasok sa knila.. hay..
-
Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 1
June 13th, 2010 06:08 PM #6ako rin meron bad xperience sa honda quezon ave naman,kc nagpa estimate ako ng
ipaparepair ko.so,diko nman pinagawa kc kulang budget.tpos after 2 days nagkaron ng problem aircon ko.nung pinacheck up ko sa banawe, nakita nila may hiwa ung tube na dinadaanan ng freon.take note ung hiwa nasa ilalim ng tube,pra di mpansin.kung nktingin ka sa ibabaw ng tube malinis pero sa ilalim ang hiwa niya mga 2 inches,prang kinayas ng swiss knife.and then narecall ko na cnabi nung attendant na kung gus2 ko raw ipaayos yung aircon system eh, ibalik ko lang at he will give a discount ..
dina ko bumalik bk mapaaway lang ako,kc wala naman akong proof. thats all mga bro..
share ko lang..
sbi ng
i shall assume your radiator cap is not leaking. does the coolant boil, as in, bumubula, in the...
Nababawasan ang coolant sa reservoir honda civic