
Originally Posted by
markboniface
Salamat mga bro sa pagsagot.
Balak ko naman talaga sa labas na mag PMS kasi mahal nga sa Casa. Kaya ko lang naman dinala doon kasi meron kinailangan papinturahan na damage sa body, naninigurado lang ako sa kulay kaya sa casa ko pinagawa at since nandoon na pinasabay ko na yung PMS nya.
At yea good buy nga yung Optra ko. 365k Php lang ang bid ko, bagong bago pa at 8k kms. odometer. Nagtataka nga ako nung una bakit wala pang bumibili sa kanya eh nandon lang sa warehouse nakatiwang-wang. Bihira ko rin makita yung ganitong model na Optra na VGIS na. Iba rin shape ng headlights niya sa usual, tapos meron signal lights na sa sidemirror and full grip yung door handles. Naka-chamba lang siguro ako at nahanap ko siya agad.
Binabasa ko na rin yung ibang Chevy threads dito (1st car ko kasi ito) Sundan ko yung advice nyo about getting parts sa Thunder, Banawe.
Meron pa ba kayong ibang advice? Marikina area kasi ako. Meron bang kayong ma suggest na maganda and reliable shop in that area. Bandang east?
Salamat uli sa inyong lahat.