Hindi po low batt indicator na katulad ng celfone iyang nakikita ninyo sa dashboard. Charging indicator po iyan. Umiilaw lang iyon kapag hindi na nakakargahan ng alternator iyong baterya.
Kung maayos ang alternator mo tumatagal ang life span ng battery mo. Halos doble ng binibigay na warranty period na 15 months . Pa check mo muna battery mo baka diskargado lang malalaman nila sa battery service kung sira na plate ng battery mo at ayaw ng tumanggap ng karga. Pa check mo rin alternator mo sa auto electrical shop.