Guys, what you gonna do when business turns bad, the Agent who bought your products didnt came up with the money, tsaka puro na lang pangako ? (it's been a year na po :ouch: ) Actually matagal na namang Agent namin ito who makes money thru buy & sell, naloko at tinakbuhan daw sya ng buyer nya kaya pati kami naipit. First time lang nangyari sa amin ito.
yup, business is really bad these days. dami namin customers that can't pay.
gusto ko lang itanong ito sa mga tsikoteers, especially mga lawyers:
meron kami isang dealer, binebenta nya sa palengke yung product namin. then nasunog yung mga palengke (almost every year kasi meron nasusunugan na palengke dito sa province namin). hindi makabayad sa kanya (dealer) or pakonti-konti ang bayad nung mga customers nya dahil nga nasunugan. so ngayon, nahihirapan na rin magbayad sa amin yung dealer. and reasoning to us na product naman daw namin yun and dapat kung nasunugan or tinakbuhan, hindi nya na sagot, something to that sort, although hindi naman ganun talaga sinabi, parang ganun yung gusto nya palabasin. ganun ba talaga? di ba dapat sa kanya lang mananagot yung mga customers nya, at sya naman sa amin mananagot?
imho (i'm not a lawyer ha), correct ka boybi. since nagpatong siya ng profit nung pinasa nya sa buyers nya yung products nyo, sagot nya yun. kahit consignment basis ang relationship ninyo sagot nya pa din yun kasi nagpatong siya ng rpofit margin nya above your price. ang resibo na issue nya sa kanyang buyers ay kanya at hindi sa inyo, so isolated kayo sa risks nya sa kanyang buyers.
on the other hand kung agent nyo lang sya at commission basis lang siya sa inyo, then ibang usapan na yan. ang resibo kasi pag agent siya will bear your business name, so ang risk nasa inyo at wala sa kanya.
yun na nga ang iniisip ko, kung magsalita kasi sya parang kami pa ang may utang na loob sa kanya dahil "inaabonohan" lang daw nya yung nalugi ng products namin. kinukuha nalang daw nya sa profit nya sa ibang mga products na binebenta nya ang pangbayad sa amin. haaaayyy!
ang alam ko...kung ahente/agent ka..depende na sa usapan ninyo ..kadalasan 50/50 or 60/40..hati sa nalugi...
kasi kung wala kayong pinag-usapan na ganun....malabo nga deal ninyo...
EX:...kukuha ako ng kukuha sa inyo, tapos pauutang ko kahit kanino...tutal kung di ko masingil...wala naman mawawala sa akin...kung nasingil ko naman...may komisyon din ako..
Originally posted by boybi yup, business is really bad these days. dami namin customers that can't pay.
gusto ko lang itanong ito sa mga tsikoteers, especially mga lawyers:
meron kami isang dealer, binebenta nya sa palengke yung product namin. then nasunog yung mga palengke (almost every year kasi meron nasusunugan na palengke dito sa province namin). hindi makabayad sa kanya (dealer) or pakonti-konti ang bayad nung mga customers nya dahil nga nasunugan. so ngayon, nahihirapan na rin magbayad sa amin yung dealer. and reasoning to us na product naman daw namin yun and dapat kung nasunugan or tinakbuhan, hindi nya na sagot, something to that sort, although hindi naman ganun talaga sinabi, parang ganun yung gusto nya palabasin. ganun ba talaga? di ba dapat sa kanya lang mananagot yung mga customers nya, at sya naman sa amin mananagot?
Parang mahirap talaga yang Ganyang sitwasyon... Pero wala tayo magagawa minsan kasi yung maliit na tindera lang sa palengke hindi mo rin ma force na mag bayad.. lalo na kung iisipin mo na matagal mo na din silang naging suki.. Hindi rin naman siguro nila kagustuhan yung masunog ang paninda nila... Kung sakin siguro mangyari yan ipagdasal ko nalang na maka recover sila. Pero sa totoo lang mahirap na mabawi yung puhunan mo don
mahirap sagutin yung tanong ni boybi and eyescube...ahente ako more than half of my career life...eto lang ang masasabi ko:
1) If you can afford to loose the money...huwag ka ng maghabla...waste of time and more money....
2) If the amount is too big to let go...file a case...but to be honest with you....GOODLUCK na lang!
3) If can afford option 1, huwag mo na siyang balikan as dealer or maging ka business deal...FOREVER...if he wants to deal with you again...ask him to pay up the old account...or else next time na lang kamo kayo magnegosyo.
My general rule sa trading:
1) Weigh the risk...don't go with the deal if the risk is too much for you to bear. Risk issues include the scenario of "what if they don't pay"
Honestly, I avoid pautang. At most I'd give a new client a 30days term. Kung na CI ko, I give them 60days. If they won't abide, mag-alibi ako that I just couldn't deliver because of supply shipping problems...until makakolekta ako. If they pay up 90days, I stop and tell them that I'm here for a living, and I am not serving them anymore if he do a 90 days because pinapatay na niya ako.
2) very important rule for me is I do the business personally (preferably without ahente/dealer). I feel more secure, it is hardwork though. Same logic why my business is not designed for low margin ones...service items ko lang ang low margin business na ginagawa ko.
this was one of our better dealers, sobrang ok magbayad. mga 12-14 yrs na namin ka-business. naging problematic lang sya mga 3 yrs ago. pero hindi pa rin nawala ang trust namin sa kanya, until late last year. last month, closed na account nya sa bank. ngayon hinuhulugan nya weekly mga checks na na-issue nya. COD na ang mga orders nya, pero sobrang konti lang.
Mahirap talaga mag business sa panahong ito....Pati nga yung bro in law ko(chinese po sya) nagkaproblema din sa collection... Then they struck a deal w/ his client...2 Honda Civic 99 A/T model ang ibinayad sa kanya...Medyo lugi sya pero at least may nakolekta...Nasa sa akin nga yung isang kotse for Php310K..
Guys,
Yung story ko naman walang pinagkaiba kay Pareng Boybi, binili nya yung product (palay) sa amin tapos benta nya ito sa ibang buyer din by bulk. she's been our Agent for the past 3 years, she pays on time naman before kaya tuloy nagtiwala kami nitong huli kasulatan lang ang naging daan ng agreement of payment, kilala rin family nila sa amin so unlikely na magloko ng kapwa, in fact mabait din kasi nga gusto pa nyang ipahawak sa amin yung land titles nya mistake lang ni Misis tinanggihan nga kasi kailangan namin ng cash kaso lately di na sya mahagilap, wala lagi sa bahay, feeling namin nagtatago na yun tao, pero sabi naman konting panahon lamang at mababayaran din daw kami, kaso nga 1 year na, since then yun nakuha lang namin sa kanya eh yung narra furniture pinambayad sa amin kahit papaano raw mabawasan yung utang, kaso naman di namin ito kailangan, hay naku, we asked advised from our lawyer and told us not to pursue the case kasi nga magastos and mahihirapan lang kami at madidiin lang yung tao at sa kawalan din mapupunta, kaya heto hinhintay namin yung pangako nung tao na maibenta muna daw nya properties nya then babayaran kami, huh, tama ka din pareng Nightrock kailangan lang ang dasal na kalakip nitong aming problemang pinansyal.
Pareng Boybi parehong-pareho yung ating istorya.
Guys salamat sa turn-out ng mga advise nyo at talaga namang maasahan ang mga tsikoteer na kapamilya.
kung meron pa po kayong karagdagan, keep it coming....thanks guys :puyat:
hay naku mahirap talaga ang business ngayon.
boybi, mali naman yata yung ka business deal ninyo.dapat sagot niya yung products na kinuha sa inyo.
tulad ko kapag nasunugan ang palengke dito, ako ang may sagot sa bihon na kinuha ko sa iyo.
sa hardware/paints naman hindi ako nagpapautang. maski napakaliit na tubo na lang basta CASH BASIS. iilan lang ang pinapautang ko. wala man 10 clients.
Originally posted by odell napaisip tuloy ako... may plan sana kao mag water filing station ehh.. parang ang hirap ng buhay sa business...
Pareng Odell, kakambal ng business ay Risk, i guess ganyan talaga yan kahit gaano ang ingat, kaya ang business lakas loob lang yan tulad namin ni Pareng Boybi, matagal na yun client, established na yung Trust, so kung minsan tragedy happens.
Pareng Kimpoy yun nga eh kung sino pa ang mapagkatiwalaan mong pautangin sya pa yung nadadale ng trahedya.