Ako, halos lahat ng bigay sa akin paghihirapan ko muna, since nagkaisip kelangan 6 am gising na at sa palengke para magprepara ng mga paninda (dry goods at mga tsinelas) grade 1&2 nagtitinda ng plastic bag sa wet market pag sabado at linggo, grade 3-6 summer job newspaper boy sa umaga at tinda ng balut sa hapon, high school hanggang makagraduate ng kolehiyo basta walang pasok sa palengke ang deretso.
Ang sarap maging working student, noon. Ngayong 2017 kaya? Baka may mga millenials or a younger generations dyan na gustong mag-contribute. Ano na ba ang situation ngayon?