New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 59
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #1
    Hi! Gusto ko lang po sana humingi ng idea sa inyo kung pano mag business ng mini piggery. I'm planning to start with 3 to 4 inahin lang. Yung mga biik lang ang ibebenta ko. Hindi problema yung pag aalagaan kasi sa bukid ko ilalagay yung mga pigs, may kulungan na din na existing dun for 2 pigs kaya magdadagdag nalang ako ng kulungan for 2 more pigs. Ako na din po ang mag aalaga and I'll ask my brother in law na vetenerarian sa health issues. He also have contact sa supplier ng feeds.

    Any tips about marketing strategies? First business ko po sana ito kaya gusto ko magkaraon ng mas malawak na idea kung ano ang papasukin ko.

    any tips & feedbacks are highly appreciated.

    Salamat.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #2
    ok yan bro at least may existing ka na na kulungan sa bukid...

    start mo sa maliit tapos maghanap ka na rin ng buyer, tanong mo sa pinaka malapit na palengke kung ano ang specifications nila sa binibili nilang baboy..

    goodluck pare, ang lapit ng mga feeds factory sa inyo di ba

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #3
    Kokonti yatang masyado pag 4 lang ang inahin mo. Kailangan mo dyan ay specific lang sa inahin ang kulungan.... yun bang may "ipitan" parang naka shield yung inahin para di madadaganan yung mga anak kung hihiga sya. mas maganda din kung naka hang yung flooring ng kulungan mo para mas malamig. Tapos kakailanganin mo din ng taga bulog dyan na dapat ay meron din na medyo malapit sa lugar nyo. Nasa 500 pesos na yata ang isang bulog ng baboy ngayon.

  4. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #4
    do a simple cost and returns analysis.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #5
    kimpoy: Yup. May existing n kulungan n tpos mgppdagdag nlng ako. Yung feds, hahanad ako ng feeds co. na nag ssupply ng bultuhan para may discount. Gusto ko na kasi mag pirmi ng Pinas, I want to stay with my family longer. Tsaka para makasama ako sa offoading ninyo.

    wrcastro_ph: Salamat sa tip sir. I'm actually jotting down tips para may listahana ako ng "to do" at "do's ang dont's". Ilang piraso ng inahin ang magandang pang umpisa? kung hindi ako nagkakamali, P1.5k +/- and bentahan ng biik, coorect me if I'm wrong.

    fourtheboys96: I'll do that sir.

    Salamat sa inyong lahat.

    Any more tips?

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    824
    #6
    if pure breeding ka lang, you should limit your choices from these breeds, Landrace, Hypor and Large White. From our experience ito yung may magagandang mothering characteristics. bentahan ng biik ngayon is P1,500 to P2,500 depende sa klase ng mga biik. inorder for a piggery to earn good income, you should have at least 20 na inahin. btw, gaano ba kalaki yung lupa na pagtatayuan mo? mas maluwag mas maganda, and as much as possible may mga puno sa paligid to keep the place presko and trees can minimize odors.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #7
    Pano mo malalaman yung mga klase ng breeds? Yung sa lupa, makaka kuha ako ng up to 800sq mtr. Wala problema sa lugar kasi bukid yun at puro puno. May piggery po ba kayo Sir Luap? Ok po ba ang bentahan ng biik? sino po ang mga prospective buyers ng biik? Is it better to concentrate on breeding o mas mganada kung yung malalaki na ang ibebenta?

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #8
    Tama po si Luap. Ang tawag po dyan sa magiging negosyo mo ay Backyard piggery. Madami naman po ang bumibili ng mga biik, ang isang kalaban po dyan sa biik ay ang dehydration. Madali po silang mamatay pag na dehydrate, lalong lalo na pag nadaganan ng inahin...heheheh....

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    824
    #9
    we have a piggery in the province. I suggest you watch ka Gerry Geronimo's - Gabay sa Kabuhayan, you can learn a lot from that show. I think they have a vcd or dvd for swine raising and dev. mas malaki ang kita mo sa bentahan ng biik, kasi mas konti ang gastos. buy a good breed from reputable farms from your area. masarap mag piggery kasi nakakaaliw ang mga biik. mag start ka muna ng mga 5 then pag nanganak, pili ka ng may mga potential na magandang inahin then from there dadami yan.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #10
    Nakaka lakas ng loob ang sinasabi nyo. Ganun nga din po ang sabi askin nung nag tip sakin ng piggery bisnes, dun ako kukuha ng aalagaan ko sa mga magiging biik. Hindi ba maselan sa tubig yung mga baboy? Le's say sa balon lang ako kukuha ng tubig para sa inumin nila? Wala kasi NAWASA or something dun la location.How about pests? Di ba ksing selan ng manok yan na napepeste?

    Salamat ng marami sa mga payo nyo.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Tips re: mini piggery business