minsan kasi ang w/holding mo na deduction every month pag inadd mo ay hindi equal sa suppose to be annualized computation w/holding tax mo. baka yun ang ibig sabihin ng annualization. kaya pag end of the year tinatanggal yan sa december salary mo kaya nakaka-asar talaga.
tama, may table na sinusunod. pero depende kasi yan sa system. normally, yung mga computerized ang payroll, hindi tugma sa table ng withholding taxes yung deduction mo either plus or minus. pero talagang may annualization. dahil pingbawal na ng BIR yung refund, automatic yan lahat papasok sa december. kaya kung kulang yung na-withheld na taxes from jan-nov, asahan mo malaki deduction sa december. pag sobra naman, baliktad, maliit deduction sa december o minsan imbes na deduction, may addition pa. eto dapat yung refund.
dati nag-computerized kami ng payroll, strategy yung mataas ang deduction from jan- june. tapos july-nov, normal na withholding tax. tapos, palalabasin ng december na may refund pero sa totoo lang, binalik lang yung binawas na sobra ng january - june.