New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 61 to 80 of 135

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    15
    #1
    Quote Originally Posted by cristian ZDN View Post
    Tumitingin ako sa OLX but hindi ako sigurado alin doon ang reliable. pwede rin ata nila ipadala thru LBC if your far in the City.

    Thinking of getting one, but as an observation sa amin, tinitikman or kinakagat lang nila ang butil ng palay to test how hardness it is then they can define if ready for milling or not. amazing. haha

    Looking forward of acquiring some rice mill accessories to complete my set-up.
    1. PreCleaner
    2. Destoner
    3. Sifter - Binlid - Broken - Head rice separation
    4. Elevators
    Ive been also checking olx kaso ung mga nakakausap ki sa amin dito, sabi nila minsan daw nasisira at need to recalibrate kaya pinapadala pa nila sa manila. Hindi ko na ulit nakausap ung taong yun.
    Naisio ko kung need to recalibrate ang mc, mas maganda sigur kung sa supplier or manufacturer tlaga derecho. Kasi kung olx lang baka hindi na rin nila alam kung paano aayusin.

    Sent from my SM-E500H using Tapatalk

  2. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    168
    #2
    Eto po ang gamit ko

    Sent from my MI MAX 2 using Tapatalk

  3. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    15
    #3
    Quote Originally Posted by joaquim View Post
    Eto po ang gamit ko

    Sent from my MI MAX 2 using Tapatalk
    Magkano po ito? And saan niyo nabili?

    Sent from my SM-E500H using Tapatalk

  4. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    168
    #4
    At eto pa po

    Sent from my MI MAX 2 using Tapatalk

  5. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    202
    #5
    Quote Originally Posted by joaquim View Post
    At eto pa po

    Sent from my MI MAX 2 using Tapatalk
    Sir how much po bili nyu jan and saan if you dont mind? Meron ako nakikita dito sa australia maliliit lang sila pero napakamura lang walapa yatang 100$,ibang style sila.

    Sent from my iPhone using Tapatalk

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    174
    #6
    double post

  7. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    15
    #7
    Dito sa amin, mais season. Kaya super lugi ko. Wala ako kita from january til march (palay to palay) kasi so lean ng palay sa area ko.
    Ngayon paubos nanaman ang palay dito ang problema nanaman ako. At sobrang mahal ng palay dito, 19-20 ang sariwa.

    Anyway, the reason why im buying moisuture tester kasi im planning to buy dry corn as well. Mas mahirap at mas unti kita kaso no choice. Wala ako kikitain. Ung mga nakakausap kong corn mills nasa 13mc dapat ung mais or else auto reject agad. At mahirap mag rely sa mga ahente kasi ung iba madadaya.

    About sa pagkagat ng palay para malaman kung dry or skin dry pa lang. medyo namamaster ko na. Hahaha! Minsan para na akong manok at nabubusog na ako.

    Sent from my SM-E500H using Tapatalk

  8. Join Date
    Sep 2016
    Posts
    93
    #8
    Quote Originally Posted by Nytrisco View Post

    Same here (zambo del norte) ang presyo ng palay Sir, kaso lang wala nang pambili at naubos sa milling equipment. kahit papano may mga miling fees naman akong natatanggap.

    Nyahahaha, sa kagat palay lahat ng costumer ko na pumupunta sa area ko ganyan ginagawa daig pa yung mga manok na pagala2 kung makatuka.

    Sir baka sa mais pwede din kagatin? hahaha

  9. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    202
    #9
    Quote Originally Posted by cristian ZDN View Post
    Same here (zambo del norte) ang presyo ng palay Sir, kaso lang wala nang pambili at naubos sa milling equipment. kahit papano may mga miling fees naman akong natatanggap.

    Nyahahaha, sa kagat palay lahat ng costumer ko na pumupunta sa area ko ganyan ginagawa daig pa yung mga manok na pagala2 kung makatuka.

    Sir baka sa mais pwede din kagatin? hahaha
    Lol try nyu kagatin ang mais hahaha. Old fashion way na ung pagkagat sa palay, kung my machine ka nung moisture tester na un u can minimize the time na ibilad ng matagal eh, atlis u save time pag pwedi nang i byahe ang palay/mais

    Sent from my iPhone using Tapatalk

  10. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    15
    #10
    Nako mahal pa rin pala.

    Sent from my SM-E500H using Tapatalk

  11. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    15
    #11
    Dito rin sa amin moncada tarlac, 90% ng mga tao dito nag rerely sa kagat method. Na kahit ako, malapit ko na sya ma master. Haha.
    At ako mismo yung lilibot sa lahat ng bilad ko para tumuka este kumagat kung good for biyahe na ba or hindi pa.

    Nakikita ko naman, mukhang magandang investment sya kasi para nga to minimize yung bilad kasi sabi nila oag overdry ang palay nababasag din daw.

    For mais, hahaha! Sinubukan ko kagatin dati, pinagtawanan ako ng ahente ko. Haha. Kuko system or method sa mais.
    Binabaon mo ung kuko mo dun sa puting area ng kernel. Kapag bumaon ng todo ibig sabihin basa pa. Pero pag binaon mo sya at medyo may force na. Dry na raw yun. Kaso medyo hindi ko kabisado ang mais kaya plano ko magrely sa mc tester na lng.

    Anyway, balik ako sa palay. Alam nyo po ba kung anong mc ng palay ang maganda kapag bibili ng sariwa? Kasi yng iba farmers dito atat, kahit hindi pa masyado tuyo at magang maga pa ang palay eh pinapaharvest na agad. Sobrang basa ng iba. Kapag ganun malaki kasi ang reseco nun

    Sent from my SM-E500H using Tapatalk

  12. Join Date
    Sep 2016
    Posts
    93
    #12
    Bro, mayroon ata range ng MC ang fresh palay, nabasa ko yan dati, search mo lang si google : )

    sa amin dito, nalalaman namin na maganda ang palay through sa timbang, yung sakong ginagamit namin dito ay yung LOPEZ na pang sugar, kapag puno ung sako na yun at hindi umabot man lang ng 50kilos timbang ibig sabihin magaan ang palay nya and expected reseco talaga yun, then makikita mo na marami pang green na butil, ibig sabin hindi pa fully matured ang iba so magaan yun at less recovery ng bigas, ginagawa namin ay less 1 peso or 2 pesos per kilo.

    Kapag basa naman ang palay sa ulan - less 2-3 pesos per kilo.

    Yun ung consequence ng mga farmer sa amin na pilit hinaharvest ung palay nila kahit hindi pa fully matured ung grains dahil ay hinahabol nila ang mataas na presyo ng fresh na palay.

  13. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    368
    #13
    Mga sir tutal tungkol na din naman sa Palay ang usapan at sa tingin ko konektado naman-->Sino sa inyo na dito ang nakasubok o merong harvester ng palay? Worth it ba? Imagine lang naman, ikaw na magharvest ng palay mismo na bibilhin mo tapos gigilingin mo pa, parang sayo na lahat napunta kung sakaling kikita nga. Ano mga opinion nyo mga sir/ma'am..
    Thank You In Advance..

  14. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    202
    #14
    Quote Originally Posted by ChoyJo View Post

    Meron din po kami harvester, pwedi yun sa palay and mais just buy the cornkit. But its really costly, presyu ng brand new suv ung makina haha. Not all the places e tangap ng mga tao ang harvester be very carefull particulary sa ibang part ng norte kasi my mga nabalitaan ako na sinisira nila, ung sa amin napag tripan na siya once, nag overheat at umusok ng white smoke then we call the company sabi ba naman overhaul the engine daw which is 6 months palang siya, long story short ok na cya ngyun nilagyan lang pala ng bara ung aircleaner. Sorry medyu OT na yata. Sir choyjo if u want to invest on this machine PM nyu po ako matulungan kayu ng brother ko my discount sila na avail.cheers

    Sent from my iPhone using Tapatalk

  15. Join Date
    Sep 2016
    Posts
    93
    #15
    Quote Originally Posted by ChoyJo View Post
    Mga sir tutal tungkol na din naman sa Palay ang usapan at sa tingin ko konektado naman-->Sino sa inyo na dito ang nakasubok o merong harvester ng palay? Worth it ba? Imagine lang naman, ikaw na magharvest ng palay mismo na bibilhin mo tapos gigilingin mo pa, parang sayo na lahat napunta kung sakaling kikita nga. Ano mga opinion nyo mga sir/ma'am..
    Thank You In Advance..
    Hello, usually 10% ang bayad sa harvester, lets say 100 sacks ang lumabas sa ani so 10sacks naman ang bayad sa harvester, dati ayaw nila sa harvester dahil hindi malinis ang palay ang daming stems at dahon2 na nakahalo, pero kalaunan tanggap na ng mga farmers dahil mabilis ito, hindi ka maabutan ng ulan.

    10 sacks at 50kilos/sack at 19Php/kilo = 9,500 roughly if converted to cash.

  16. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    174
    #16
    Quote Originally Posted by cristian ZDN View Post
    Hello, usually 10% ang bayad sa harvester, lets say 100 sacks ang lumabas sa ani so 10sacks naman ang bayad sa harvester, dati ayaw nila sa harvester dahil hindi malinis ang palay ang daming stems at dahon2 na nakahalo, pero kalaunan tanggap na ng mga farmers dahil mabilis ito, hindi ka maabutan ng ulan.

    10 sacks at 50kilos/sack at 19Php/kilo = 9,500 roughly if converted to cash.
    Mas efficient po ang pag harvest ng harvester, wala tapon at nahahabol sa ulan at maganda presyo. At ang pinaka gusto ng mga farmers ay hindi na nila kailangan ng mga taga-ani kasi sakit sa ulo mga tao.

    Pero dapat na baguhin siguro ang tawag sa mga farmers ngayon kasi hindi naman talaga sila ang nagtatanim at nagaani ng mga palay. Tingin ko dapat i-upgrade na pangalan nila to haciendero :-)

    Ganda nga po negosyo ang harvester kasi kaya daw nila 5-8 hectares a day kaya kung 9,500 ang gross x 5 hectares =P47,500 a day for about 2 months every cropping or 4 months in a year.

  17. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    15
    #17
    Quote Originally Posted by cristian ZDN View Post
    Bro, mayroon ata range ng MC ang fresh palay, nabasa ko yan dati, search mo lang si google : )

    sa amin dito, nalalaman namin na maganda ang palay through sa timbang, yung sakong ginagamit namin dito ay yung LOPEZ na pang sugar, kapag puno ung sako na yun at hindi umabot man lang ng 50kilos timbang ibig sabihin magaan ang palay nya and expected reseco talaga yun, then makikita mo na marami pang green na butil, ibig sabin hindi pa fully matured ang iba so magaan yun at less recovery ng bigas, ginagawa namin ay less 1 peso or 2 pesos per kilo.

    Kapag basa naman ang palay sa ulan - less 2-3 pesos per kilo.

    Yun ung consequence ng mga farmer sa amin na pilit hinaharvest ung palay nila kahit hindi pa fully matured ung grains dahil ay hinahabol nila ang mataas na presyo ng fresh na palay.
    Yep, kaya ko hinahanap kung meron bang range ng MC for harvesting kasi most of time si farmer nagmamadali magharvest kahit hindi pa hinog. Kaya end result hindi nabibili ng magandang presyo and minsan nakakalusot sa mga buyers tulad ko, nalusutan ako last month. Wala ako classifier, sariling sikap na lang ang pag tingin at based sa exprience na. Gusto ko kasi tutok ako and maliit pa lang naman ung negosyo ko eh.

    Anyway, ngayon ko lng nlaman yang sako na yan. Ang palaging sako dito yung dark green, yung isang gamitan lang at punit agad. Marami nagrereklamo nga eh.

    About sa green sa palay, yep mataas ang reseco nyan. Lalo na pag tinusok mo ng kuko mo at lumabas ang parang gatas. Paktay na.

    Meron naman din na bago iharvest medyo tuyo na. Tipong half day lang na bilad tuyo na. Jackpot yun.

    Sent from my SM-E500H using Tapatalk

  18. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    15
    #18
    About sa Harvester, tama si sir erdie na medyo may kamahalan ang mga ito. Nakakausap ko yung isa sa may-ari ng harvester dito sa area namin, nasa 800k pataas ang presyo. Hulugan yung kanila meron silang 3 na. Siguro may pros at cons pero based sa mga naririnig ko at pagkakaintindi ko medyo mahirap.

    Sabi nila kung meron kang Harvester, para ka raw bumili ng alagain. Para kang may batang inaalagaan, siguro kaya nila sinasabi iyon kasi tulad ng sabi ni sir erdie, 6months pa lang may problem na, whether man made or not doon ka mismo sa supplier mo or sa brand mo mismo ipapagawa. Hindi tulad ng sasakyan na ang pyesa kahit saan auto supply meron. Dito kung Kubota ang Harvester mo, kay Kubota ka lang daw makakabili ng parts at si Kubota lang din ang makakaayos ng sira.
    Yes, mabilis kapag harvester ang gagamitin, kaso meron din ayaw nito. Sa amin, 10% na lang ang harvest tao at madalas harvester na talaga at sa dami na ng meron na nito hindi medyo mahirap na ang pangarap mong kita.
    Dito sa amin, hindi na 10 sacks ang bayad sa harvester. 5-6 na lang dito at depende pa yan kung ilan ang ma-haharvest. May araw na 30 sacks lang ang naharvest kaya ang bayad or unos 1-2 sacks lang. Ang kadalasan na unos dito, yung mga gilid na palay, yung mga madadamo. Sa maliliit na buying station (tulad ko) ang bagsak ng mga ganito.
    Since medyo mahal nga ito, ang madalas dito financing ang mga ito. Dito sa amin, hindi monthly ang uso, kapag ganitong season mais ang karamihan na tanim at magagamit mo lang siya around feb-april then July na ulit ang sunod mo kaya meron months na tengga. Kaya quarterly ang bayaran nila. Kaya same lang din ng kay Luap ang scenario sa amin.
    Lastly, yung iba walang blower or mahina. Kaya end result pati mga ipa nasasama sa pagsako, magaan at mababa ang recovery. Yung iba kasi pinapatay or pinapahinaan ang blower para daw makatipid sa krudo lalo na kung tight ang budget.

    Pero kung ito talaga ang pangarap mo, you should contact sir erdie, kasi yung family nila meron nyan at baka matulungan ka ng mom niya.

  19. Join Date
    May 2018
    Posts
    1
    #19
    Hello mga Sir, tanong ko lang paano pala yung pang tahi sa sako ng bigas?
    san po makakabili?

  20. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    168
    #20
    local agents marami and they offer good terms. San ba location nyo po?

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast

Tags for this Thread

Starting a Small Palay Buy and Sell Business