Mga sir, ask ko lang meron ba sa inyo nagwork sa mga governemnt agencies? Kahit ano po. Kasi yung kapatid ko nag-apply siya sa MMDA. Nakapost naman sa website ng MMDA na madame sila job vacancies. Qualified naman kapatid ko sa position (Bachelor's Degree, Second Level Eligibility, etc.) nagpasa siya application letter at iba pang requirements at sabe tawagan sila after a week sabay nung tumawag na siya sabay sabi, Stop hiring daw sila at walang budget ganito ba talaga sa gobyerno natin? Ang unfair lagi nalang ba nakakapasok yung may mga backer at kakilala? Graduate ang kapatid ko sa UP at gusto niya sa government mismo magwork dahil service to the people daw blah blah. Kaso naaawa na ko sa kapatid ko dahil nahihirapan siya magwork sa government agencies. May alam ba kayong way or technique na pwde niyang gawin or advice man lang mga sir? Thank you po!