Does anybody know kung ano na ang going rate kung mag-wo-work ka sa Mcdo, Jolibee, KFC etc.?
How about yun upscale restaurants like Itallianis etc.?
Does anybody know kung ano na ang going rate kung mag-wo-work ka sa Mcdo, Jolibee, KFC etc.?
How about yun upscale restaurants like Itallianis etc.?
di ko lang alam ang exact figure pero per hour yata ang bayad dito kasi some of them are working students who works only for a minimum of 4 - 6 hours, plus siguro yung tip na dinidivide sa kanilang lahat at the end of the day.
Nu'ng vacation ko, last Feb. 2007, pabalik ako ng Saudi, may nakasabay akong 10 McDo/Jolibee Branch Managers. Sabi nu'ng isa, ang salary daw nila is P13K. Nag-apply sa Saudi (Hardees), at na-doble raw ang sweldo nila. Libre na lahat.
So kung ang manager, P13K, magkano kaya ang sa crew ng McDo or Jolibee?
May pamangkin akong regular employee na ng McdO, pero per ora pa rin ang bayad sa kanya. Kasi hindi 8 hrs/day ang trabaho nya.
Last edited by chua_riwap; November 5th, 2007 at 03:24 PM.
yung anak ng opismate ko manager sa KFC immediately after graduation. 10K lang ata tapos abot pa minsan ng 12 midnight sa branch. pinag resign niya.
minimum wage lang sahod sa mga fast food, sa jollibee nga nakakaawa mga crew... parang nakakahilo ginagawa nila sa dami ng customers.. tapos sa kitchen nila parang tuloy tuloy... wala halos pahinga.. break time lang yata... ang masama pa nun pag closing ang sched ng crew... lets say 10pm... minsan andun pa sila hanggang 12pm naglilinis pero di na daw kasama bayad as OT yun
Arrggh. Ang liliit pala. . .. So kung minimum wage pala yun, eh di P350 daily rate (tama ba?) / 8 hours a day = 43.75 petot per hour? I think unfair rin pala yun since malaki naman ang kita nitong mga ito.
Sa Starbucks, Friday's, Toni de Roma's, at yung mga de-kalidad na kainan, magkano kaya?
"English spokening" pa ang mga crew rito, at puro may hitsura.![]()
i'm just curious, pwede kaya yun na kung malaki kita ng negosyo, dagdag sa sweldo pero kung mahina benta, pwede bawas sa sweldo? at kung negative ang balance sheet for the month, pwede kayang maglabas ng pera ang mga employees at ibigay sa kumpanya to keep the organization afloat?
may kakilala akong tao na may negosyo. malaki ang negosyo niya. lagpas 100 ang employees. e napasok ng union. binulungan ang mga tauhan na magreklamo na itaas ang sweldo. nag-rally ang mga tauhan. minumura pa ang may-ari ng negosyo sa mga rally. napikon ang may-ari ng negosyo. isinara ang negosyo. kaya ayun, ang lagpas 100 na empleyado, nawalan ng trabaho. tapos, sa separation pay pa nila, halos lagpas 15% ang napunta sa union. ang union leader, nakabili pa ng kotse. ang mga pobreng empleyado, nawalan na ng trabaho, lumiit pa ang separation pay. in less than a week, pumunta ang mga empleyado sa bahay ng may-ari ng negosyo, nagmamakaawa na buksan uli ang negosyo. wag na lang, sabi ng may-ari. puro kayo sakit ng ulo. talo lahat: may-ari, empleyado, at ang mga dating customers ng negosyong ito (the business was doing really well prior to the strikes). true story ito. very good friend ko ang may-ari ng negosyo at halos institution na ang negosyo niya bago niya isinara ito. (sorry kung OT)
sa mga fast foods pa yata, after 5 or 6 months mong magtrabaho, di ka na muna ulit pwede magwork sa kanila for another 5 to 6 months... one reason kasi is... pag lumagpas ka yata ng 6 months sa isang trabaho... dapat on probation or regular employee ka na... ginagawa ng ibang company na hanggang 6 months lang ang contract para di maging regular employee mga tao.. kasi mas malaki babayaran nila.
ganyan kalimitan style sa mga pabrika, fastfood chains...
you're correct. but regularization does not always mean higher salary. (halos pareho lang ang sweldo at benefits ng sa contractual at ng sa regular employee.) ang concern ng mga kumpanya is ang hindi magkaroon ng union, and the inevitable rally's that cripple a company's operations. IMO, the main concern of management is to continue keeping doing business profitable. kasi kung hindi na profitable patakbuhin ang kumpanya, e bakit pa mag-business?
now what the business will do with its profit depends on that business' core ideology. (some use it for corporate social responsibility, others use it for growth, while others will use it to maximize shareholder return/dividend.)
i know this guy who runs a manpower agency supplying major corporations of manpower for their sales force. every 6 months ilinilipat ang mga tauhan sa iba't ibang kumpanya para hindi ma-regularize. minimum wage naman sila at may benefits (philhealth, sss, etc) kahit na contractual. ang talagang iniiwasan lang nila ay ang pagkakaroon ng union.
magbarista nalang siguro kaysa crew ng fastfood, yung friend ko ganun at nasa 11K daw sweldo niya..
Kaka bilib ang mga batang yan. Yung iba sa kanila mga working students…I remember our days in the late 80’s to 90’s. my barkadas who used to work in jollibee while I worked in Mc Do and Mr. Donut alternately. Part time lang, kung anong minimum wage yun lang divided by 8 times the no. of hours. This friend of mine used his earnings to shoulder expenses for his projects while taking up architecture and later shifted to fine arts. Ngayon nasa Riyadh na siya working as director sa isang graphic arts company… nakapangasawa pa ng nurse and take note may domestic helper pa sila - kinuha daw niya sa embassy natin na lumayas sa among arabo….O.T NA BA?![]()
Last edited by XTO; November 5th, 2007 at 05:00 PM.