sabi nga ng isang ekonomista / analyst sa news kagabi, meron ngang economic growth pero di ito sa pangkalahatan kundi sa ibang bahagi o maliit na porsiyento lamang ng lipunan...karamihan nakinabang sa tinatawag nilang "growth" na ito ay ang malalaking korporasyon...

kitang kita mo naman sa dami ng walang mapasukan na hanapbuhay sa ating bansa eh kaya hanggang ngayon eh marami pa ring Pinoy ang nangingibang bansa...sobrang layo ng diperensya talaga ng kikitain nila doon kumpara sa kikitain nila dito sakaling makahanap man sila ng trabaho sa Pinas...