let say 2 units of taxi? patok ba??
anong kotse ang pwede ko bilhin??
2nd hand lang mga peeps..
let say 2 units of taxi? patok ba??
anong kotse ang pwede ko bilhin??
2nd hand lang mga peeps..
i cannot say na madaling negosyo ang taxi...dahil medyo malaking kapital lalabas sa yo dyan and at the same time, hindi mo kaagad makikita return of investment mo. expenses vary from permits, pagbili ng kotse, maintenance, sweldo ng driver (kung fixed), etc.
pero kung buo (tama ba spelling ko?) ang loob mo...depende yan sa trip mo as well as sa cash on hand mo kung ano kukunin mo na oto. you can get cars ranging from kia prides to corollas to fx's.
8)
i saw lots of for sale cars with taxi line sa buyandsell..
safe ba bumili dun??
if ive got 500k..what would you recommend??
medyo laspag na ata yung taxi with line mahirap yan baka overhaul na abutin mo. sakit sa ulo yan.
ndi yata pede i-taxi ang lumang auto. parang may age limit ata 1-2yrs lang yata dapat. ano bang kotse ginagawang taxi ngayon? ala na yata ako nakikitang brand new?
Originally Posted by fierari
korek ka dyan fierari. may policy lto tsaka ltfrb na dapat 1-2 years lang ang age ng taxi, pero it seems di naman nasusunod ito. who knows, when will they strictly implement this policy.... alam mo naman dito, pag napagtripan iiimplement...pag hindi, hahayaan...parang color coding yan..before ang higpit nila pero nowadays di na ganung kahigpit. ang attention ng mga nasa lto ngayon is yung smoke emission test.nandun ang pera ngayon eh.
ozcity, di ko na masagot yung question mo eh. as far as i can say now is that having a taxi business is not that easy eh. ewan ko opinions ng other guys dito.
Palagay ko mahirap yan lalo na kung matapat ka sa Tarantado na driver.. Kung kukuha ng mga unit na old taxi din isipin mo muna mabuti daming problema kadalasan sa mga unit na ganyan.. Kung 500K lang mahihirapan ka sa 2 unit. Sa isa siguro pwede second hand na corolla nalang kunin mo para medyo matipid mura pa ang parts.. and the important thing Kuha ng ng mapag kakatiwalaan na DRIVER..
Maganda yung mag balak na mag negosyo kasi may pangarap kang umasenso. pero kailangan pag isipan ng mabuti ang negosyong papasukin para hindi matunaw ang puhunan. Ang natutuhan ko noon sa fahter-in-law ko na pure chinese ay huwag daw poapasok sa negosyo na hindi mo mismo alam ang pagpapalakad. ikaw daw dapat ang mag managed at huwag isa sa iba.
regarding taxi business, may kaibigan ako na ng start ng 4 units, way back mid-80s pa ito. after 3years binenta nya laht ng units. sabi nya sa akin kung may kaaway ka payuhan mong mag negosyo ng taxi at nakaganti ka na. pero syempre sa negosyo kasi may swerte naman at malas kaya nasa tao na siguro ang desesyon para hanapin nya swerte nya. In my opinion lang po try to think another alternative aside taxi business and then weight the plus and negative factors.![]()
may kinorek lang po akong spelling. :lol:Originally Posted by Pj-XTC
Ang taxi business ay maganda kung may sarili kang talyer at kilalang (as in hindi barumbado) dryber na alam na ang lahat na kalye sa MM ay hindi patag. Lalong mas maganda kung magkakaroon ka ng contrata sa isang airline o hotel, pero mahirap atang makakuha nito.
Kaya tama si Sir Nightrock, kailangan ang kotseng bibilhin ay yung may pinakamurang maintenance tulad ng corolla. Sabi nga nila, mayroon ding corolla parts na nabibili sa inyong suking drugstore. Joke lang.. :lol:
i suggest na mag-school service ka na lang.
alaga pa ang sasakyan mo kasi may oras ang viaje.
sa pasukan at uwian lang ng students.
malaki rin ang kita dito, buwanan ang singil.
exempted pa sa color-coding.
onga school service......
garage service na din biyaheng ayala laki ng kita jan! umaga at gabi lang ang gamit ng sasakyan mo
parang sakit lang sa ulo!
sira dun, sira dito, nahuli driver, na wrecker kotse..... etc etc
tama school service na lang o di kaya rent a van!
may friend ako rent a van, siya na rin ang driver, nakaka pasyal pa siya! everyday
hmm maganda yung "garage service" na yan ah..
may permit din ba yun?
yan ba yung mga nakikita ko along ayala pag uwian na??
yan nga yun....... alam ko may association sila. alam ang malalakas eh yung nasa may landmark. kasi may mga stickers and permit sila sa ayala.
Mas maganda nga kung Garage service kasi di laspag yung sasakyan dahil umaga at gabi lang ang byahe. Ok din school bus kaso alam mo naman ang mga bata, medyo malikot at siguradong pupunuin ng sulat ang loob ng sasakyan. May mga asosasyon yung mga nakapila na yun. Yung nasa SM West ang alam ko 45k ang hinihingi nila sa kolorum na pumipila tapos 30k sa mga may linya na taxi. Pwede ka din pumila dun sa mga yun kaya lang isusunod ka lang pag wala nang myembro. Ang hirap naman din dun, sa dami ng myembro halos di ka na din makapila o ilang beses ka lang masasalang kasi ang dami ninyong naghihintay.
Nasubukan ko na din mag rent a van (L300 VV) ok din sya kaya lang seasonal. Ok din nung may naging kontact ako sa ABS-CBN kasi halos everyday may byahe at artista pa sakay mo tapos kasama ka pa sa VIP treatment. Ang pinaka maganda dun nakakapasyal ka na binabayaran ka pa.
Meron pang isang ok na pasukin. Yung mga malalaking Publishing company nag ha-hire sila ng mga private vehicles para sakyan ng mga ahente nila pag pumupunta sa mga schools. Nung ako ang nandun, binibigyan nila ako ng P700 fixed rate per day. Akin ang gasolina pati maintenance. P100 naman every hour pag lumagpas ng 6:00p.m. Try nyo nalang mag inquire sa mga malalaking publishing house kung nag oofer sila ng ganun. As of now meron yata sa REX.
Sa taxi mahirap lalo na kung barumbado driver at kung may kalumaan na matyempuhan mong sasakyan.
.
if im going to buy a van ..which brand do you guys recommend?
siguro mas ok yung rent a van..mukhang mas maalagaan
mo yung sasakyan..
sa 2ndhand na van ano ba ok??
hiace (toyota)
urvan(nissan)
l300(mitsu)
besta
ano pa ba ibang brands na ok at low maintenance??
sir you might want to try iyong Kia KC 2700S ..21 seater and dual aircon
You're ok with either Hiace or Urvan. If passenger comfort is a concern don't get the Urvan shuttle. IMHO for a 15-pass van sobrang sikip. Ganun din sa Hiace commuter.
suggestion lang po![]()
pag business ang pinag-uusapan ok yan kasi gusto mo kumita at umasenso, pero dapat wag mo ibuhos lahat puhunan mo sa isang business at least 2 business para may pangsalo ka kung medyo di mag click ang 1. peace:D