New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 59
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #1
    Hi! Gusto ko lang po sana humingi ng idea sa inyo kung pano mag business ng mini piggery. I'm planning to start with 3 to 4 inahin lang. Yung mga biik lang ang ibebenta ko. Hindi problema yung pag aalagaan kasi sa bukid ko ilalagay yung mga pigs, may kulungan na din na existing dun for 2 pigs kaya magdadagdag nalang ako ng kulungan for 2 more pigs. Ako na din po ang mag aalaga and I'll ask my brother in law na vetenerarian sa health issues. He also have contact sa supplier ng feeds.

    Any tips about marketing strategies? First business ko po sana ito kaya gusto ko magkaraon ng mas malawak na idea kung ano ang papasukin ko.

    any tips & feedbacks are highly appreciated.

    Salamat.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #2
    ok yan bro at least may existing ka na na kulungan sa bukid...

    start mo sa maliit tapos maghanap ka na rin ng buyer, tanong mo sa pinaka malapit na palengke kung ano ang specifications nila sa binibili nilang baboy..

    goodluck pare, ang lapit ng mga feeds factory sa inyo di ba

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #3
    Kokonti yatang masyado pag 4 lang ang inahin mo. Kailangan mo dyan ay specific lang sa inahin ang kulungan.... yun bang may "ipitan" parang naka shield yung inahin para di madadaganan yung mga anak kung hihiga sya. mas maganda din kung naka hang yung flooring ng kulungan mo para mas malamig. Tapos kakailanganin mo din ng taga bulog dyan na dapat ay meron din na medyo malapit sa lugar nyo. Nasa 500 pesos na yata ang isang bulog ng baboy ngayon.

  4. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #4
    do a simple cost and returns analysis.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #5
    kimpoy: Yup. May existing n kulungan n tpos mgppdagdag nlng ako. Yung feds, hahanad ako ng feeds co. na nag ssupply ng bultuhan para may discount. Gusto ko na kasi mag pirmi ng Pinas, I want to stay with my family longer. Tsaka para makasama ako sa offoading ninyo.

    wrcastro_ph: Salamat sa tip sir. I'm actually jotting down tips para may listahana ako ng "to do" at "do's ang dont's". Ilang piraso ng inahin ang magandang pang umpisa? kung hindi ako nagkakamali, P1.5k +/- and bentahan ng biik, coorect me if I'm wrong.

    fourtheboys96: I'll do that sir.

    Salamat sa inyong lahat.

    Any more tips?

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    824
    #6
    if pure breeding ka lang, you should limit your choices from these breeds, Landrace, Hypor and Large White. From our experience ito yung may magagandang mothering characteristics. bentahan ng biik ngayon is P1,500 to P2,500 depende sa klase ng mga biik. inorder for a piggery to earn good income, you should have at least 20 na inahin. btw, gaano ba kalaki yung lupa na pagtatayuan mo? mas maluwag mas maganda, and as much as possible may mga puno sa paligid to keep the place presko and trees can minimize odors.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #7
    Pano mo malalaman yung mga klase ng breeds? Yung sa lupa, makaka kuha ako ng up to 800sq mtr. Wala problema sa lugar kasi bukid yun at puro puno. May piggery po ba kayo Sir Luap? Ok po ba ang bentahan ng biik? sino po ang mga prospective buyers ng biik? Is it better to concentrate on breeding o mas mganada kung yung malalaki na ang ibebenta?

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #8
    Tama po si Luap. Ang tawag po dyan sa magiging negosyo mo ay Backyard piggery. Madami naman po ang bumibili ng mga biik, ang isang kalaban po dyan sa biik ay ang dehydration. Madali po silang mamatay pag na dehydrate, lalong lalo na pag nadaganan ng inahin...heheheh....

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    824
    #9
    we have a piggery in the province. I suggest you watch ka Gerry Geronimo's - Gabay sa Kabuhayan, you can learn a lot from that show. I think they have a vcd or dvd for swine raising and dev. mas malaki ang kita mo sa bentahan ng biik, kasi mas konti ang gastos. buy a good breed from reputable farms from your area. masarap mag piggery kasi nakakaaliw ang mga biik. mag start ka muna ng mga 5 then pag nanganak, pili ka ng may mga potential na magandang inahin then from there dadami yan.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #10
    Nakaka lakas ng loob ang sinasabi nyo. Ganun nga din po ang sabi askin nung nag tip sakin ng piggery bisnes, dun ako kukuha ng aalagaan ko sa mga magiging biik. Hindi ba maselan sa tubig yung mga baboy? Le's say sa balon lang ako kukuha ng tubig para sa inumin nila? Wala kasi NAWASA or something dun la location.How about pests? Di ba ksing selan ng manok yan na napepeste?

    Salamat ng marami sa mga payo nyo.

  11. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    824
    #11
    di naman maselan sa tubig, ok na ang balon basta malinis lagi inuman at kulungan. sa amin din walang NAWASA, deepwell lang gamit namin. about sa mga lamok naman, wala pa naman kaming nadengue na baboy hehehe may mga pesticides na din para sa mga insects, ask your friendly vet about it. there should be no stagnant water, dapat tagusan ang hangin sa kulungan, dapat mataas ang bubong (the better if you have access to nipa). nung nagsisimula kami kala namin walang kita, pero habang dumadami ang inahin, pwede ng maging fall back pag nagsawa na ako sa buhay in the City hehe

  12. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #12
    Ang peste lang na alam ko ay ang foot and mouth desease.

  13. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    7
    #13
    Sir K, cguro pag nasa pnas u .. inquire kayo sa TLRC .. kse yung sis ko and brother in law ko doon lang sila nagseminar and i think very sufficient also meron ding field trip http://tsikot.yehey.com/forums/newre...te=1&p=558304#
    happy ..

    PEACE !

  14. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #14
    bossing sakay lang ako.

    gaano ba katagal ang ROI yan.

    I'll start siguro sa lima?

    Then gaano katagal bago maging profitable sya.

    Matagal ko na din kasi gus2 magtayo nyan eh kaso natatakot ako sa lugi.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #15
    Subukan ko nga mag hanap kung meron website yung programa ni Gerry Geronimo. Gus2 ko tlaga matutunan itong business na to.

    Oo nga ano!? Pano nga pala yung return of investment? Ilang bwan/years kaya?

  16. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    824
    #16
    just any other business, medyo puro palabas ang pera sa una, it took us around a year and a half kasi nung una trial and error kami. pag malaki na yung piggery mo, dami ka ng perks and discounts na makukuha from different farm suppliers, B-MEG and the like. There was one time na ginawang model mga biik namin, naka libre kami ng mga feeds hehehe. kaya ngayon pinag-iisipan na din naming mag venture into poultry and farm supply, then bio-gas next (hopefully) from the pigs litter (we will use it to generate power for our piggery)

  17. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #17
    Mga magkano kaya ang initial investment na maganda?

    Ilang biik ang dapat simulan?

    Katulad ko wala ako kulungan maghahanap pa ako na pwede rentahan.

    Talo ba pagganun

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #18
    oo tama ba tignan mo rin sa TLRC, may pa seminar pa diyan...

    yung VHS ni Gerry G parang may nakita ako sa national bookstore...

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #19
    Try ko magpa hanap nung VHS na yun sa National Bookstore.

    Sir Luap mukang malaki na yung buisness nyo a. Ok din yung plan nyo tungkol sa bio gas.

    I also heard somewhere na yung ibang feed suppliers daw nag ooffer ng sila ang mag ssuply ng feed sa iyo tapos sila na din ang bahala sa marketing. Kung baga, alaga at space lang ang puhunan mo or something like that.
    Last edited by kupaloids; April 27th, 2006 at 07:08 PM.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #20
    yung lolo at tito ko dati, nagpiggery din, up to around 30 heads yata. some were sold for meat, yun iba naman, benta yung mga biik. ang isang tip na narinig ko sa tito ko, dapat alam mo yung timing ng pagbebenta ng biik para mabawi mo yung puhunan mo w/c is mainly expenses on feeds and meds. minsan daw, hihintayin mo tumaas yung presyo ng baboy para mahal ang benta sa mga biik..so parang stock market din

    yung ebs ng baboy... kung matyaga ka, pwede mo kolektahin at gawing pataba sa mga puno. kung ayaw mo naman, it's better kung maghuhay ka ng pozo negro malapit sa kulungan para dun na derecho yung jebs pag nilinisan mo yung kulungan. from the pozo negro... pwede mo lagyan ng pipe para makuha yung biogas.

    extra TLC din sa inahin pag manganganak na. ang ginagawa ng lolo at tito ko noon, pag alam na nilang malapit na manganak yung inahin, dun mismo sila sa malapit sa kulungan ng baboy natutulog para bantayan yung inahin. minsan kasi, sa sobrang gutom ng inahin during labor, may tendency sila kainin yung sarili nilang biik. So kelangan bantayan mo paglabas ng biik at ilayo ng konti sa inahin, medyo konting ingat lang pag ginawa mo to at agresibo yung inahin at that stage. babantayan mo din na lahat ng biik nakakadede sa inahin. di tataba yung maagrayabo sa pagdede - sori for term :D hehehe -
    sipag at tyaga lang puhunan dyan plus kontaks sa bibilhan ng feeds at bebentahan ng biik. good luck!

Page 1 of 3 123 LastLast
Tips re: mini piggery business