New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast
Results 61 to 80 of 199

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #1
    Yeah that's my greatest fear, what if magnegosyo at malugi, or kumikita nga pero barya lang ang kita, only enough to pay for expenses, can't expand the business to expand your profits, and can't go back to your job. It's an all in, all or nothing affair

  2. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    2,515
    #2
    Quote Originally Posted by badkuk View Post

    You might want to hook up with an established entrepreneur to share the risk with

  3. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #3
    i did get offers from a rich friend for a few business ventures. He's a good friend that i trust...but i never joined because i got the feeling na hindi siya seryoso, and i'd end up as one of his lackeys. He'd be OK even if the venture fails, kasi nga mayaman, but ako mabibitin.

    i do get your point sir. i do have a friend/mentor na tinatanungan ko, although he's more into finance/investing

  4. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    2,515
    #4

    Start with small joint venture with your friend and see where it goes? At least limited exposure and shared risk. Plus you get a mentor or coach

  5. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    13
    #5
    Franchise small businesses muna while maintaining your current job. Then see from there.

  6. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #6
    Ok yan. Skill and effort ang puhunan...
    Im open to this idea. Before nag isip ako ng isang business na online lang. Hanap ako ng web developer. Bloger. Designer.. minimal lang ang puhunan kasi web hosting lang almost then effort and skills na.
    .
    Senario yung mga kilala ko..gusto kumita agad.. ayaw mag business na skills nila ang puhunan.m

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #7
    Ok na biz yan sa IT. Yun bumili nung isang lupa ko. Yan ang naging negosyo. Former call center agent tapos nagfreelance sa odesk. Nahulugan yun property for a year at plano nya bilhin yun katabi na lupa ko din.

    ang problema ko lang sa ganyan eh IT is not a small field. Hindi pwedeng jack of all trades dyan tapos you have to build connections and reputation lalo na kung online. Syempre sa start pasulpot-sulpot lang raket dyan. Kung ngayon ka lang magstart eh baka hindi enough yun kitain mo para bumuhay ng pamilya.

    Btw nagtry ako nyan. Considering na dell tech ako, 7 years as developer ng system na enterprise level. Front end, database, network admin. SAP Abap developer at SAP basis admin certified pero kulang parin network ko at rep to get a steady cash flow.Just like any other business mahirap na rin kalabanin yun mga nauna na. Sandamakmak na rin software companies dito sa atin.

    Yun kakilala ko marami na rin sya pool ng developers. Which is yun ang kulang ko. Para makakuha ka ng magandang kita eh kelangan malalaking project na dapat eh may team ka na gagawa.

  8. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #8
    sir SAP-certified kayo? Malakas po ang kita dun ah(at least back in the late 90's/early 2000's)

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #9
    Quote Originally Posted by badkuk View Post
    sir SAP-certified kayo? Malakas po ang kita dun ah(at least back in the late 90's/early 2000's)
    yep! Unfortunately yun last company lang nakinabang. Walang exposure sa ibang companies at syempre may mga reputable software companies na mas pinipili ng mga kumpanya na gusto mag-avail ng services kaya ang hirap humanap ng kliyente.

  10. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #10
    ^
    Sa android games or website. Tamang idea lang sir para kumita. Hindi man instant pero posible..

    like yung flupy bird ba yun. Ang simple lang ng game pero million ang kinita ng developer...
    .
    Ganun din ang facebook.. parang laro lang nung una. Pero billionaire na ngayon ang may ari..
    .
    If gusto ng instant kita. Pwede pero need gumastos para sa mga ads sa iba ibang sikat na website para makilala agad..

  11. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    354
    #11
    hindi kailangan ng connection sa pag develop ng websites/blogs/forums.

    web hosting at magandang domain lang, ok na

    tapos promotion/ads lang kung may konting budget natira. Try adwords and facebook.

    try mo lang muna gumawa ng isang site. Then pag pumatok, gawa ulit. Rinse and repeat. kahit $5/day per site lang. Tapos gawa ka 10 sites or more. at least $50/day na din yun.

    maganda forum hindi mo kailangang mag publish ng articles. User generated yung content. Katulad nitong tsikot. Hirap lang sa umpisa, pero once pumatok ok na

  12. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #12
    Quote Originally Posted by usong725 View Post

    Well it would take years para pumatok ang isang site. Naalala ko pa nung inumpisahan ang tsikot. Lately na lang naman naging profit generating nung kilala na. Medyo matagal bago magka-rep sa ganyan setup. Tapos dun pa lang maaring kumita. Just like FB and the likes. Sugal talaga ginawa ng mga yan. Meaning naging libangan sa matagal na panahon bago kumita.

    I dont think ganung negosyo ang gusto ni ts. May pamilyang umaasa yan at mga binabayaran. Mahirap sumugal sa negosyo na hindi mo man lang makuha ang operating cost ng business mo at yun basic necessities ng pamilya mo... well unless subsidized ka pa ng parents or relatives mo.

    sa totoo lang, kung maguumpisa ka ng negosyo eh mas maganda habang bata dahil may magulang ka pa na pwede sumapo sa yo. Yan siguro naging edge namin ni misis lalo na sa competitor namin hanggang sa naging stable yun 2 negosyo namin. Pero kahit papano, may iba pa rin mga maliliit na negosyo sinusubukan namin. Kahit nalulugi at naisara namin yun iba eh meron pansapo. Ngayon mas mabusisi kami at mas maingat sa pera lalo na sa pagtatayo ng bagong negosyo

    sa ngayon kami na kahit papano ang nagbibigay sa mga magulang namin.

  13. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #13
    ^ agree..
    Im sure yung developer ng tsikot e may kunting kita na. Kasi may ads ka ng makikita..

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #14
    Wait...negosyo ba yan pag gawa ng website? I was in the impression that OP wanted a conventional business.

    Sent from my iPhone using Tapatalk

  15. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #15
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Wait...negosyo ba yan pag gawa ng website? I was in the impression that OP wanted a conventional business.

    Sent from my iPhone using Tapatalk
    Pweding maging negosyo sir ang website.. kikita ka sa mga ads.. pweding per click ang bayaran or per day or month..
    .
    Parang imoney. Nag start lang sa blog tungkol sa pera. Then dumami ang viewer nila.. di nag commercial sa kanila ang mga bank. Etc..

  16. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    354
    #16
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Wait...negosyo ba yan pag gawa ng website? I was in the impression that OP wanted a conventional business.

    Sent from my iPhone using Tapatalk
    Yup, pwede yan. Web/IT solution company. Offer ka services like web development, SEO, hosting, consultation, etc

    since hesitant mag labas ng pera OR maliit ang capital OR ayaw malugi ng malaki ni OP, bakit hindi nya pakinabangan ang skills nya?

    skills, time, effort at konting capital lang kailangan nya.

    pwede sya mag 1-man team muna O kuha ng konting developers.

    pwede nya gawin sa bahay lang nila, hindi na kailangan ng office. work at home

    pwede nya gawin sa spare time nya O pwede sya mag full time.

  17. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #17

    Agree... ito ang the best. Bago mag isip ng kung ano anong business. Tignan mo muna ang sariling skills at sariling resources.. then tignan panu kikita doon.. low capital is good business. Malugi ka man e maliit lang. Wala ka man client e may job ka parin. Parang sideline habang inaaral palang...

  18. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #18
    Quote Originally Posted by dishcom View Post
    Agree... ito ang the best. Bago mag isip ng kung ano anong business. Tignan mo muna ang sariling skills at sariling resources.. then tignan panu kikita doon.. low capital is good business. Malugi ka man e maliit lang. Wala ka man client e may job ka parin. Parang sideline habang inaaral palang...
    Ganyan ang advice sinabi sa akin ng parents ko pero meron downside yan. Kaya sideline ang tawag ng iba dyan. And seldom sa ganyan ang kayang i-substitute ang kita sa full time job.

    low capital doesnt necessarily mean good business. Low capital means low earnings or low profit. Well as far as i know ganyan experience ko or naoobserbahan ko sa negosyo. The higher the capital, mas mataas din ang profit. mas malaki ang area na kaya mo i-cater since you have the capacity to fund your logistics.

    At hindi maganda sa negosyante na laging iniisip na malulugi dahil magiging reason yan para tipirin mo yun inooffer mo na product.

    Kapag ganyan ang thinking ng nagtatanong sa akin, sinasabi ko na lang na magtrabaho na lang at humanap na lang ng sideline

  19. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #19
    Quote Originally Posted by badsekktor View Post

    On my own opinion. May mga sideline na talino at kunting effort lang kaylangan.. nung nag aaral pa ako laptop ko, effort at talino ko lang puhunan ko para kumita.
    .
    Pero may na reliaze ako sa sarili ko. Hindi pala ako magaling humawak ng tao. Wala akong skills na mag pa sunod.. masyado kasi akong mabait at maunawain. Kaya ito ang business na hinahanap ko e yung wala akong tauhan na kaylangan, like investment.

  20. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    354
    #20
    Quote Originally Posted by badsekktor View Post
    Ganyan ang advice sinabi sa akin ng parents ko pero meron downside yan. Kaya sideline ang tawag ng iba dyan. And seldom sa ganyan ang kayang i-substitute ang kita sa full time job.

    low capital doesnt necessarily mean good business. Low capital means low earnings or low profit. Well as far as i know ganyan experience ko or naoobserbahan ko sa negosyo. The higher the capital, mas mataas din ang profit. mas malaki ang area na kaya mo i-cater since you have the capacity to fund your logistics.

    At hindi maganda sa negosyante na laging iniisip na malulugi dahil magiging reason yan para tipirin mo yun inooffer mo na product.

    Kapag ganyan ang thinking ng nagtatanong sa akin, sinasabi ko na lang na magtrabaho na lang at humanap na lang ng sideline

    with due respect sir, ok lahat yung payo nyo.

    dito lang ako hindi agree -> "Low capital means low earnings or low profit"

    may mga businesses dyan na halos laway lang puhunan pero malaki kumita.

    buy and sell cars, referral system, etc

    fruits & vegetable buying station. ganito business ng family ni misis before sa province. literal laway lang puhunan. babagsakan ng gulay ng farmer, ipapasa sa mga trucks papunta manila, instant 4-5 digit profit.

    tsikot forum, $10 yearly for domain. $100-$200 siguro monthly for dedicated server. 1-2 hours a day maintenance ni admin. $$$$$ monthly income from adsense and sponsorship.

    dami pa iba dyan. hehe

Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast

Tags for this Thread

Business advice for the clueless salaryman