Around 7:45 am, today, april 15, 2003.
I'm in the corner of Buendia or Gil Puyat Extension and Roxas Blvd (near World Trade Center) waiting for the traffic line to turn green (to turn left to Roxas Blvd going to Vito Cruz area).
Mga 10 cars pa ang nasa harapan ko kaya ng nag GREEN na ung traffic light to turn left ay tinapakan ko ang brake ko then turn to DRIVE yung kambyo pare ready kaagad ako.
Napansin na namin ng Mrs ko (pasenger ko si Mrs) ung isang guy sa harapan... bandang right side (mga 3 meters) na parang pulubi na may dalang 2 pakwan sa kabilaang kamay nya. Kala ko eh nagbebenta lang ng pakwan. When my car is about to move (dahan dahan pa lang dahil nasa DRIVE pa lang ako ang i'm not stepping the gas), the guy from the the right side ay biglang sinalubong yung sasakyan. Syempre biglang stop ako. Putsa suicidal talaga yung kamote, ibinagsak nyang kusa yung katawan nya sa right side ng kotse...bagsak sya...Hindi ako bumaba ng sasakyan dahil mukhang patapon yung guy.. Nakita ko na pinulot nya yung 2 pakwan na parehong nabiyak sa gitna. Tapos tumayo sya at tumingin sa akin. Sa loob ng sasakyan ay nasabi ko na " tar**do ka kung magpapakamatay ka wag mo ng akong idamay" . Nabasa nya cguro yung bibig ko....tapos pumunta sya sa left side ko at kumuha ng malaking bato at akmang babatuhin ako... bukas ako ng konting bintana sabay sigaw ko na "cge tuloy mo.... sabay turo ko sa kanya ng daliri ko na pormang babarilin ko sya (yung LABAN sign ni Cory).
Hindi ko tuloy maabante yung sasakyan dahil baka nga batuhin. Medyo marami ng sasakyan ang nakahinto at nanonood sa amin....finally umabante ako kaso naabutan na ako ng stop ulit. Pero hindi na sya humabol....Tinitingnan ko sya from side mirror kung ano ang ginagawa...
Binuo nya ulit yung 2 pakwan at naglakad lakad na naman.
Then GO ulit ako....Hinto ako sa ilalim ng Gil Puyat flyover at sinabi ko sa MMDA (malas walang pulis na naka poste kanina) yung nangyari. Sabi ko puntahan mo na baka may isunod pa yung ogag na yun...at pumunta naman sya.
Yung itsura ng guy ay kulot, mga 5'2" at duling or banlag at medyo bungal.
Pagparada ko ...doon ko lang napansin na basag yung right side signal light ng sasakyan.....Nagastusan pa ako.....Mapuruhan na sana ang hinayupak na yun....
Ingat kayo mga guys,....




