Naghahanda na sa isang full-blast workforce ang Ford Philippines sa pagsisimula ng second shift operations sa world-class Sta. Rosa, Laguna plant sa ikatlong quarter ng taon bilang pagtalima sa Car Program nito.
Sa pag-antabay sa pagdami ng production volumes, nakatakdang mangalap ang Ford Philippines ng karagdagang 400 empleyado/workers upang matugunan ang pangangailangan sa produksyon ng car assembler. Sa naturang karagdagang bilang, aabot na ang kabuuang empleyado ng Ford Phils. Sa 1,200.
"We are happy to announce this new development as this means more jobs for Filipinos," panimula ni Henry Co, Ford Group Phils. President. "This aggressive hiring program is part of the $50 million investment for the expansion of Ford Philippines under the New Car Program committed by our chairman and CEO Bill Ford during his visit to the Philippines in 2003.
"During his first visit in the country, Bill Ford was impressed with the level of competence and professionalism of the local workforce. One of the added perks of the $50 million investment was its translation to additional jobs, which in turn, should help our local economy."
Ang karagdagang manpower ay nangangahulugan din ng kapasidad ng planta na makagawa ng 36,000 vehicles kada taon.
Car Program
Ang pagtulak ng export volumes ng Ford ay naisakatuparan buhat sa pagpapalawak ng export program na kinabibilangan nga ng New Car Program. Ang proyektong ito ay nagbigay daan para sa Ford Phils. na maging manufacturer ng Mazda3 at ng Ford Focus para sa ASEAN region.
Ang dalawang sasakyang ito ay bahagi ng nakalinyang mga sasakyan na ie-export sa Thailand, Indonesia, Singapore at Malaysia.
Handa nang itulak ng Ford ang pinakabagong modelo nitong Ford Focus para sa Asean region kasunod ang preview noong buwan ng Abril. Ang naturang event ay sumabay sa pagrolyo ng 30,000th vehicle unit para i-export, na mismong ang Pangulo ng bansa na si Gloria Arroyo ang sumaksi.




