New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    4
    #1
    To anyone who can help:

    Dealer installed na code alarm sa 2002 isuzu crosswind xt may topak.

    Nung una, doorlock lang ang topak. Nung ayos pa, nag-aautomatic doorlock kapag nakasara lahat ng pinto and nasa ON position ang ignition. Nung tinotopak na, kahit may bukas na pinto, nag automatic lock ang pinto pag nilagay sa ON ang ignition.

    Tapos sumunod na ang starter.. usually mabilis magstart makina, tapos sa loob ng dalawang araw, pag nagsstart, may noticeable delay na ng mga 1-2 secs. Ngayon, ayaw na magstart, may tunog na parang kumakayod pag sinubukan start tapos biglang magaalarm kahit disarmed. Tinangal namin yung mismong alarm sa loob ng dash, walang reaksyon yung starter, dumadaan ata dun sa alarm. Pero lahat ng ibang electrical gumagana, ilaw, busina, radio. Iniwan naming nakadisconnect yung alarm (?module) tapos push start na lang, nagstart agad makina.

    May remedyo pa bang magagawa dito? Kahit wala nang alarm basta mastart ng normal tsaka kahit sana yung power lock maibalik. Sa programming lang kaya ito?

    Kung wala nang remedyo, may alam po kayo na nag-aayos/maipapalit na mura?

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,036
    #2
    check mo muna battery mo. mukhang low batt ka na

Pls Help! nagkatopak na code alarm immobilizer