Hi mga master, gusto ko lang malaman na pwede ko ba palagyan sa oto ko na Mitsu Lancer EL '97 yang mga features na keyless at car alarm? kasi ang oto ko di power window, kaya nga lang kaya gusto ko palagyan ng ganyan kasi madalas kapag inabutan kami ng malakas na ulan bago kami makapasok sa kotse basang-basa na kami! :D please advice kung saan at magkano ang magagastos ko. salamat,
Ah mabuti naman pwede, sa south o CAVITE area kaya sino kaya meron. may nakapagsabi sa Evangelista meron din, pero mas ok kung mas malapit sa area ko. mga taga CAVITE baka may alam kayo na meron dito sa atin at yung di naman kamahalan ang presyo. salamat,
yup pwedeng pwede yan. sa mga sm malls dyan sa cavite may ace hardware and blade dyan, nag iinstall sila ng alarm. pero mas mura pa din kung sa car accesories(labas) ka bibili.