Weirdest thing happened to my car alarm kaninang madaling araw habang malakas ang ulan. Nagchi-chirp siya na nagaunlock siya, di ko na pinansin dahil masarap ang tulog ko at parang nanaginip lang ako nun.

Paggising ko kaninang umaga tinanong ako ng kasama namin kung pinipindot ko daw ba yung remote, kasi daw may tricycle na pumarada sa gate namin tapos tumunog alarm ng sasakyan ko at nung inilawan niya yung tricycle bigla daw humarurot.

Meron na ba ngayong nakaimbento ng ganung hacking gadget ngayon?

I have an aftermarket alarm(branded) pero di ko pinatanggal yung oem kaya 2 alarm ko, pero mostly yung aftermarket lang inaactivate ko.