Hi Tsikot members, newbie here both in the forum and as a car owner.
tatanong lang sa mga experienced owners and technicians, last week kasi gumagana pa yung tunog ng alarm ko pag nag lock and unlock ako.. then yun nga, bigla nalang nawala yung tunog ng alarm, pero alam mo na nagaactive sya kasi umiilaw naman sya pag inaactive and naririnig mo yung locks na bumubukas sara. nawala lang talaga yung tunong. nagsearch na ako sa net, pinalitan ko narin battery ng remote ko, pero ganun parin.. help naman.. stock alarm po ng corolla alits '06.
check the connections to the alarm horn. baka may maluwag lang.
also check baka may napindot ka na mute functions... normally may mga combinations yan sa mismong remote. check the remote manual.
sorry wala na kasi yung manual ng remote kaya hindi ko alam yung mute functions.. pero matanong ko lang, magmumute ba ang alarm kahit malayo ka? baka may napindot nga ako, pero malayo ako sa sasakyan eh..
basta natatandaan ko lang, nagpark ako tumunog pa yung alarm (chirping sound). pagbalik ko ng parking, ayun, wala na syang tunog pero nagaactivate naman yung locks nya..
sinubukan ko narin i-arm yung alarm, bale nilock ko yung sasakyan galing sa loob sabay binuksan ko yung pinto ayun ,nag aalarm naman sya (may tunog and ilaw na nagflaflash).. weird lang kasi pag lock/unlock hindi na sya tumutunog..