New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    61
    #1
    Mga tsong ano kaya naging problema sa civic 97 ko kasi nagpaayos ako kanina ng headlights sa Evangelista pero nung paalis na ko ayaw na mag engage ng aircon.

    Pina-check ko agad sa may malapit na aircon shop pero kung ano-ano na sinasabi at kailangan daw baba yung compressor. Hindi ako naniwala at balik dun sa nagbaklas ng ilaw.

    Ginawa nya e ni-rekta nya at yun nagka-lamig na. Pero hindi naman daw pwede na naka-rekta yon. After ilan minutes pag start ko uli to look for another aircon shop e nagkalamig na at hanggang bahay e ok pa din. Sinubukan ko uli after an hour e yon wala na naman. Naka-10 times na on-off on-off ako sa aircon switch tapos nag engage din pero nung tinigil uli e ayaw na naman...

    Ano kaya problem nito?

  2. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    217
    #2
    parang electrical problem ah, pa check mo na lang sa mga electrician sa mga aircon shops or gas stations. dati kasi nagkaganyan din aircon ko, nagloloko mag engage, may pinalitan lang na fuse tas ok na

  3. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    61
    #3
    Quote Originally Posted by recklus View Post
    parang electrical problem ah, pa check mo na lang sa mga electrician sa mga aircon shops or gas stations. dati kasi nagkaganyan din aircon ko, nagloloko mag engage, may pinalitan lang na fuse tas ok na
    Thanks at least may sasabihin na ko sa gagawa bukas na baka fuse lang.

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #4
    kung fuse yan, kayang icheck yang visually. check mo kung may putol na alambre sa loob ng mga fuses, then palitan lang.

  5. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    1,682
    #5
    Ano inayos sa headlight?
    How is your charging?

  6. #6
    baka compressor/aircon relay mo nag-fafail na...

  7. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #7
    pwede rin faulty na aux fan, open mo engine hood then on mo aircon kailangan tatakbo ang aux fan pag hindi ito ang cause kaya ayaw mag engage ng compressor,

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    61
    #8
    Quote Originally Posted by 4JGtootsie View Post
    Ano inayos sa headlight?
    How is your charging?
    Pinapalitan ko yung buong assembly. So siguro during the process baka may nagalawa silang wire sa tabi ng left headlights or talagang nagkataon lang.

    Parang mas mahirap yata yung problema na minsan nag e-engage tapos minsan ayaw. Yung tipong sasabihin ayos na pero after ilan hours/days e ayaw na naman.

    Pero once na gumana na e hindi naman nawawala. kaya laging may kasamang dasal pag start ng auto

  9. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    61
    #9
    Quote Originally Posted by alwayz_yummy View Post
    baka compressor/aircon relay mo nag-fafail na...
    hmm... pwede rin. May chance ba na eto nagalaw nila habang palit headlights?

  10. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    1,682
    #10
    Naglagay ba sila ng relay for the headlights?
    If yes, check kung saan sila nag tap ng supply. Sana hindi sa relay ng A/C.
    Loose connection is also a possibility. Paano nila nirekta?
    Are you sure wala silang ninakaw o pinalitan na piyesa?

Page 1 of 2 12 LastLast
Aircon problem after replacing headlights