A friend's Ranger was declared total loss. It formed a shoehorn on an electric post. Engine was still ok but the whole body was beyond repair.
Afaik as long as cost of repair (if possible) is greater than insured cost, total loss na yun.
A friend's Ranger was declared total loss. It formed a shoehorn on an electric post. Engine was still ok but the whole body was beyond repair.
Afaik as long as cost of repair (if possible) is greater than insured cost, total loss na yun.
*Wh1stl3r thanks sa reply. Yung akin Kasi ok pa engine nya. Pero Ang body nya ay almost lahat may major dents. Malaki kaya repair cost Ng body kapag palit lahat Yun?
Sent from my Redmi 4X using Tapatalk
*_Qwerty_ omg napaka tagal Naman 6 months. Sana maawa naman sila. Tagal Naman nun. Pero okay na siguro ganyan katagal as long as total Loss. Ayoko na Kasi Ng repair eh, Wala nako tiwala sa body integrity Ng car.
Sent from my Redmi 4X using Tapatalk
Naka experience na ako ng total loss, sa Charter Ping An insurance, pag umabot na ng 75% ng insured value yung repair estimate, pwede ng ipa total loss, kasi may possibility na may sira pa na hindi nakita sa estimate. 3 months after the release of the final repair estimate saka ako nabayaran, nagtagal dun sa adjuster at sa casa kung i total loss o repairable pa. In my case wrecked yung engine bay, hindi na umaandar yung makina. In total, 6 months from day of accident ang tinagal bago ako nabayaran. Ang binayad sa akin ay yung insured amount na nasa policy dineduct yung participation at depreciation, prorated sa months from issuance ng policy.
May Malayan Insurance din ako sa isa kong sasakyan, nag file ako ng own damage claim last May, hanggang ngayon wala pang feedback, second parang limited yung casa na accredited ang Malayan.
Sa itsura ng Fortuner mo, mukhang na idrive mopa pauwi, baka mahirapan kang ipa total loss kung walang major damage ang engine, kausapin mo lang yung adjuster.
Sir Glenn, naka usap ko kanina Yung manager Ng Insurance Co. Kasama daw sya sa pag inspect Ng adjuster, at magsasama din daw sya agent from the casa. She told me na it looks like total Loss na daw. Nung makuha pala Yung car from actual incident pagkatayo Ng sasakyan Mula sa pagkakataob ay Hindi sya umandar, pina pump muna nila yung sa may engine bago umandar. Pagka check ko Naman sa wheel alignment ay parang Hindi na sya aligned. I'm worried po about my unit.
Sent from my Redmi 4X using Tapatalk
Cash or financing ba yung fortuner mo? remember kung financing yan, RCBC? Uunahing bayaran ng insurance yung banko, yung sobra yun lang mapupunta sa iyo. In most cases yung balance is not even enough to cover yung DP at yung 11 months na amortization mo.
Kung cash mo binili fort, titingnan ng insurance adjuster yung salvage value ng unit mo, then yung cost nila sa total loss claim mo, kung saan sila kikita o lesser cost to them duon sila.
At the end of the day, hindi mo makukuha yung full amount na ginastos mo sa pagbili nung fortuner.
And prepare yourself, sa total loss claim, aabutin ng 6 months yan bago ka mabayaran.
Cash po sya. Ano po Yung Salvage Value? Wala po Kasi ako idea sa Salvage Value, may depreciation po ba agad Ang unit kahit 11 months old palang? Okay lang total Loss, as long as good deal Ang amount na makukuha ko, bale sa mag expire na insurance ko next month. Wala Naman ba magiging problem sa akin?
Sent from my Redmi 4X using Tapatalk
Salvage Value yun yung kikitain ng insurance kung ibebenta nila "as is where is" yung unit mo, or kung ipapa repair nila outside sa casa and then resell it.
Sa 11 months wala pang depreciation yan, pero may participation kana. Wala namang dahilan para i renew mopa yung insurance mo sa unit na total loss,
you made the claim naman while your insurance is still active.
Look at your policy, the insured amount minus the participation, more on less, yan dapat matanggap mo.
Tingin ko rin either tabla o panalo insurance sa salvage value ng unit mo, intact pa yung engine, at mataas resale value ng latest fortuner.
Nasa policy mo yung schedule ng charges/deductibles, pero in a less than 1 year old unit, dapat participation lang ang deductible.
Just dont expect na mababayaran ka agad, it will take months.
It still boils down to your relationship with your insurer. If first time mo palang sa kanila, expect na magtatagal yan. If matagal ka na sa kanila and maayos naman ang mga transactions nyo, pwede nila bilisan ang pag release ng claim mo. Mas tututukan kasi nila.
Kaya it's best na kung ok ka naman sa current insurance provider mo, dyan ka na lagi magpa insure kahit mas mahal ng konti ang premium. Kasi alam nilang loyal ka, mas aalagaan ka nila.
Signature
Inaasikao Naman po sir boybi. Nakaka usap ko Naman po Yung manager, maayos Naman paliwanag nya. Sasama daw si manager sa pag occular check sa unit, sasama daw sya sa adjuster, magsasama din daw sya Ng agent from casa. I talk to her na Sana Yung unit I declare nalang na total Loss. Pero nabanggit nya sa akin na 75% daw na repairable para ma declare na total Loss. Pero in her assessment upon seeing sa photos Ng unit, she can tell daw na total Loss. I hope supportahan nya sa adjuster at sa agent Ng casa na gawing total Loss. I hope and pray na maging total Loss nalang para palitan nalang Ng bago.
Sent from my Redmi 4X using Tapatalk
Update ko sa Insurance claim ko. Okay na. Na claim ko na checke ko in 3 months process. Salamat sa Diyos. Got our new unit. Salamat din sa mga payo nyo [emoji4]
Sent from my Redmi 4X using Tapatalk
My similar experience din po ako sinasabi agad ng insurance n total lost. Ano po b basis ng total lost?. Natamaan po ako ng Truck sa Pampanga. Pagdating ko sa insurance ko at sa Toyota total Lost din ang sinasabi.
46494593-3 4 8 71377916 -73 2727743723 12 96-n-1 — imgbb.com
Naglagay po ako ng picture para makita nyo.