New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Sep 2012
    Posts
    124
    #1
    Hi Tsikoters!

    First time kasi ako magclaim sa insurance, nabangga kasi auto ko (hyundai getz)
    approved na cash settlement ko. pero ang policy ipagawa ko daw muna kotse ko tapos ibigay ko daw yung "replaced parts" then saka ibibigay yung cheke..

    Ang question ko... based sa estimate nila kasama sa replaced parts ang hood ko... kaso maliit masyado ang estimate nila.. kaya ang balak ko ipaparepair ko nalang hood ko since maliit lang naman ang damage. kaso baka hanapin nila sakin yung "replaced parts" which is yung hood..

    baka pagnakita nila hindi pinalitan eh baka babaan lalo yung cheke na pinakita nila sakin na dapat macclaim ko.

    Alam ko kinukuha talaga ng insurance yung replaced parts pagcash settlement pero kung sakali pinarepair ko nalang yung hood ko na dapat ay replaced based sa quote nila, possible ba nila babaan pa yung cheke na una nila inestimate?

    Any advise or may nangyari narin ba ganito sa inyo?

  2. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    487
    #2
    Ilang taon na ba sasakyan mo?

    Bakit ka kasi nag agree sa cash settlement, di naman total wrecked car mo. Dapat sa casa ka nagpa estimate at dun ka na rin nag pagawa.

    Di naman obligado na ibigay mo sa insurance yung replaced parts, kasi di naman nila talaga kailangan yan.

    Nung sumabit yung innova namin, hiningi ko sa insurance yung mga parts na pinalitan, bumper, ilaw at fender, binigay naman nila, sinabihan nila yung casa.

    Palitan mo yung hood mo, kasi icheck pa rin yan ng adjuster mo kung pinarepair mo nga.

  3. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #3
    Alam ko pag cash settlement, bigay ang cash then bahala ka na magpagawa. Baka iba patakaran ng insurance niyo sir kasi kung ganyan ang usapan, pasok na lang sa shop at sila na bahala at wag na cash settlement.

  4. Join Date
    Sep 2012
    Posts
    124
    #4
    Actually ang problem ko, ay sa tingin ko sobra ung money sa cash settlement nila, baka hanapan ako resibo na hindi umabot sa ganito pinagawa ko kaya ang worry ko baka babaan din ung cheke, plus baka hanapin yung hood kasi instead replace, papaayos ko nalang orig hood ko. Yun lang talaga main concern ko.

  5. Join Date
    Sep 2012
    Posts
    124
    #5
    Baka din isipin nyo eh gusto ko lang kumickback hehe.. Parang ganun na nga,pero mapupunta din yun sa padetail ko ng kotse ko.. Dami kasi gasgas na kotse ko na mahirap iclaim sa insurance.. (big scratches) kaya if ever may sumobra sa cash settlement gagamitin ko yun para ipadetail kotse ko

  6. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    487
    #6
    Pwede mo iclaim rin sa insurance ang gasgas, kung nakalagay dyan replace kaya ganun binigay, dapat lang replace mo nga.

  7. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #7
    ung insurer mo ba ay kasali sa meron HORROR STORIES? paki share naman ung company name.


    pero sa pagkakaalam ko, kung cash settlement ibibigay sayo ng insurance ung pera, ke ipagawa mo hindi ung ride mo wala na silang paki dun.

  8. Join Date
    Sep 2012
    Posts
    124
    #8
    Hindi ko po alam kung may horror story toh, 1st time ko kasi magclaim at la naman nabasa.. Share ko company name pagnakuha ko na cash settlement hehe! Pero dapat talaga wala na sila pakialam dun as long as indi na ako magclaim sa same damage right? X fingers!

Question in Claiming Cash Settlement Insurance