New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 26
  1. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    220
    #1
    Binangga kotse ng friend ko sa likod while full stop dumulas daw pagapak sa break sabi ng nakabangga. May comprehensive insurance friend ko pero walang insurance ang nakabangga.

    Sabi ng iba matatagalan daw pag nireport sa insurance kasi hahabulin pa daw ang nakabangga. Is this true? May nagsabi mas mabilis daw processing sa na hit and run. I don't understand this coz ang intindi ko nag compre ka para walang hassle.

    Napaestimate na papalitan trunk cover, tail lights at bumper medyo mahal. Appreciate your advice please thanks!

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    116
    #2
    Basta kumpleto requirements mo na ipapasa sa insurance like police report, photocopy driver's license nung nakabangga, photocopy ng or cr nung nakabangga, sketch or drawing nung pagkakabangga palagay ko maipa process naman agad ng insurance ang pagawa dyan, at syempre hingi ka na rin ng pang bayad sa participation at allowance dun sa naka bangga para sa mga araw na wala at ginagawa kotse nya.

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,204
    #3
    pag humingi ka ng pang participation fee sa nakabangga, maganda kung wala kang pipirmahan. may case kasi na kinasuhan ng insurer yung insuree kasi di na nila mahabol yung nakabangga since may signed agreement na wala nang habol yung insuree sa kanya.

  4. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    220
    #4
    So hindi totoo na di aasikasuhin ng insurance until masingil ng insurance yung nakabangga? Yun kasi ang sabi sa kanya ng iba kaya nagwoworry sya. Baka din daw di na sya bayaran sa participation fee pag hinabol ng insurance ang nakabangga. Meron syang police report at pic ng driver's license pero walang copy ng OR/CR.

    Thanks sa tip re: signed agreement sa participation fee.

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    116
    #5
    September last year binangga rin kami sa right side front passenger door tapos kinabig napasama na rin pati right fender wasak pati engine support kotse ko, yun ang mga natatandaan kong requirements tapos hiningian ko yung nakabangga sakin at nagbigay naman sa police station kaharap yung imbestigador, tapos gusto nya hit and run na lang daw ideclare pero di ako pumayag, the next day nag tetext sakin sya na raw magpapagawa ng kotse sa talyer para makamura 1 month din ginawa kotse sa casa.

  6. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    220
    #6
    Pumayag ka na hit and run na lang?

  7. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    116
    #7
    Hindi ako pumayag na hit and run, hindi ko lang sure kung hinabol pa sya ng insurance kasi 36k yung nagastos sa pagawa. 3k lang binayaran ko sa participation na galing sa nakabangga sakin.

  8. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    220
    #8
    Ah good for you :-)

  9. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #9
    buti pa kayo may insurance ako wala, nabangga ako dito sa amin, eh malapit lang pala bahay dito sakop pa ng barangay,
    ayaw magpakita ayaw makipag usap, ayun binarangay namin, natakot kaya sila na nagpaayos ng car ko,
    wala lang share ko lang sa inyo hehe

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    36,800
    #10
    your friend's car is insured, used it!

    wala na siya pakialam kung hahabulin ng insurance yun nakabangga, problema na ng insurance yun. basta ang business niyo lang ng insurance eh ipagawa yun bangga ng kotse.

    most often than not hinde na hinahabol ng insurance mga yan, lalo na pag PUVs...

    saka ang hinde ko mainitindihan dito sa atin bakit kailangan mo pa singilin participation sa nakabangga? eh talaga naman yun naka insured ang magbabayad nun...sasakit lang ulo niyo diyan sa ipapasa yun participation sa nakabangga.
    Last edited by shadow; January 27th, 2013 at 11:06 AM.

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Options pag nabangga