New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 18
  1. Join Date
    May 2009
    Posts
    28
    #1
    Hello po ..need your help nung May 13,2011, binangga po ako ng delivery van ng R&B tube ice (Ivoryway Corp.) sa kadahilanang nawalan daw po siya ng preno. Dahil po doon nagcause siya ng multiple collisions at yung sasakyan ko po ung napuruhan kasi na-sandwich ako. Sa umpisa pa lang ng pag-aasikaso, ako na po lahat. ako ang nagpatow ng sasakyan ko care of my insurance, ako ang nagpagamot sa sarili ko at ako na din ang nagclaim sa sariling kong insurance. Yung pinadalang tao ng company nila na si Earl Michael Rallos (Mike Rallos) ay walang kwentang kausap. Nung nasa police station kami, hinihingan ko siya ng pambayad sa participation fee, eh wala daw siyang dalang pera! Eh ngayon po, lagi ko siya tinatawagan at sinabi ko din na dapat bigyan nila ako ng service vehicle kasi hindi ko kasalanan yung nangyari. Pero hindi niya po ako pinapansin at ang sabi pa ay peak season daw nila at malaki din daw nawala sa kanila. Pag po ba nagbigay ako ng demand letter at hindi pa din nila ako pinansin ano po ba ang pwede kong gawin? at gaano po ba katagal ang processing ng insurance based po kasi sa quote ng casa aabutin ng 643,000 ang estimate of repair so total loss na sasakyan ko and ang masakit pa eh naka bank loan pa po ito.

    And pagpoba –nagdemanda ako mas malaki ba talaga ang magagastos ko for legal fees,atty’s fees and etc? gusto ko kasi silang matuto hindi kasi tama yung ginawa nila eh. Peste ang mga ganyang klaseng tao or company sa kalsada!

    ito po yung mga pictures nung accident

    [SIZE=3]http://imageshack.us/photo/my-images/21/car4tb.jpg/[/SIZE]
    [SIZE=3]http://imageshack.us/photo/my-images/849/car1d.jpg/[/SIZE]
    [SIZE=3]http://imageshack.us/photo/my-images/32/car2ca.jpg/[/SIZE]
    [SIZE=3]http://imageshack.us/photo/my-images/823/car3a.jpg/[/SIZE]

    need your advise please..TIA!

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #2
    Wala ka bang kilala na attorney ?

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #3
    diba may police report naman yan?? so bigay mo lang sa insurance mo yun.. tapos sila na hahabol dyan.. tapos ikaw babayaran mo lang participation.. total loss ba daw? ano ba sabi nang insurance?? papalitan nila or bibigay yung full amount? ang problema lang dyan kahit total loss i declare yan.. medyo matagal ang proseso.. so hassle talaga.. lalo na kung diretso bayad mo sa banko tapos wala ka naman magamit na sasakyan..

  4. Join Date
    May 2009
    Posts
    28
    #4
    Quote Originally Posted by _Qwerty_ View Post

    yung po ung habol ko eh ..dapat bigyan nila ako ng service vehicle..dahil hindi ko kasalanan ung accident tapos ako ang nahahassle kasi matagal ang pag-facilitate ng insurance claim lalo pa kung etotal loss na...one week na po akong nagpasa ng requirements sa insurance ko until now wala pa din update sa status..

    ang nakakaasar lang kasi sa kanila .. .. binabalewala kasi nila ung demands ko.. ako na ang dehado ako pa ang nahihirapan.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #5
    hindi talaga nagbibigay nang service car ang insurance dito sa atin.. siguro ang maganda nyan ang i pressure mo yung R&B Tube Ice..

  6. Join Date
    May 2009
    Posts
    28
    #6
    Quote Originally Posted by _Qwerty_ View Post
    hindi talaga nagbibigay nang service car ang insurance dito sa atin.. siguro ang maganda nyan ang i pressure mo yung R&B Tube Ice..
    may alam po ba kayo about sa process ng Supreme Court's small claims court? haay..perwisyo yang R&B TUBE ICE na yan!

  7. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,752
    #7
    Quote Originally Posted by _Qwerty_ View Post
    hindi talaga nagbibigay nang service car ang insurance dito sa atin.. siguro ang maganda nyan ang i pressure mo yung R&B Tube Ice..
    Isama mo sa reklamo mo yung hassle at loss of productivity sa computation ng expenses mo dahil wala kang car. Para ma-preseeure sila na bigyan ka ng service. You need a good lawyer. Yung legal fees naman puwede mo mabawi once nanalo ka sa kaso if hindi nila pagbibigyan yung demands mo. Just be reasonable.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  8. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    235
    #8
    Saan ba nakainsure yang unit mo? Yung truck ba may insurance? Kapag meron, dapat yung insurance na lang niya habulin mo. If not, ipressure mo na lang yung insurance mo na bayaran ka agad (o yung bank) para makapagloan ka ulit. BTW, saan na yung agent mo? Ba't hindi siya yung pinapalakad mo??

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #9
    dapat ipa impound ang sasakyan ng naka bangga sa inyo. para ma pressure na magbayad.

    Anyway, sa sobrang laki ng repair cost, baka puwede ng i-declare na total wreck para bayaran ka ng buo ng insurance. ok ito pag less than 3 years old ang sasakyan. IMO.

  10. Join Date
    May 2009
    Posts
    28
    #10
    Quote Originally Posted by derf8666 View Post
    Saan ba nakainsure yang unit mo? Yung truck ba may insurance? Kapag meron, dapat yung insurance na lang niya habulin mo. If not, ipressure mo na lang yung insurance mo na bayaran ka agad (o yung bank) para makapagloan ka ulit. BTW, saan na yung agent mo? Ba't hindi siya yung pinapalakad mo??
    sa Federal Phoenix po, binigay ko na po sa kanya (agent) ung needed documents and siya na daw ang magbibigay sa Federal, yung nga lang, matagal po ata ang processing pag total loss. Ang sabi eh baka abutin ng 3months, haay totoo po ba ito?

Page 1 of 2 12 LastLast
Need you Help Toyota Avanza Total Loss dahil sa R&B TUBE ICE (IVORYWAY CORP)