
Originally Posted by
Firefighter
katatapos ko lang magpa-renew ng car insurance kahapon pero wala na raw yung AOG. pinipilit ko na isama maski magdagdag ako pero talagang di raw covered. nagpunta ako sa Malayan pero di na rin daw nila kino-cover. dahil kaya ito sa laging binabaha at binabagyo sa lugar namin? yung bagyong Cosme nga last year nabagsakan ng punong mangga yung garahe ko, buti na lang di kami umuwi noon kundi warak kotse ko. binayaran ko kahapon 30K for a year old ford tdci, mura ba yan or napamahal ako. casa insurance yan sa ford dagupan.