
Originally Posted by
whilmeister
Hello Guys, I just want to ask some help to those expert here or to those who have experienced claiming comprehensive insurance. Nasagi kasi yung isang door ko sa likod ng katabi ko sa parking.napansin ko na lang nung nasa house na kami. Naguhitan lang naman ng almost 1 foot yung door ko na baon na baon at bakbak ang pintura.
Eto yung mga question ko:
1. Sa pagpapaayos sana nung door, gusto ko sana isama na yung rear bumper, pano ko ba ipapasama yun?may mga dents na kasi yung rear bumper ko. Pwede ba na isama na yung rear bumper ko para isang participation fee na lang?
2. Kasi yung participation ko sa insurance is 3,000 pesos whereas dun sa pinapagawan ko na shop, 2,500 pesos per panel. Kaya I want na maisama sana yung rear bumper kasi lugi pa ako ng 500 pesos kung ipapasok ko pa sa insurance. Sino ba yung best na kakausapin ko? yung broker ko ba na maglalakad ng insurance? or dun sa kasa or shop na pagagawan ko ng bangga?
3. Mag 2 years pa lang yung kotse ko, so sa casa po ba dapat siya iparepair? or okay lang sa kahit anong shop na accredited ng insurance ko?
4. Madami na gasgas yung kotse ko din,pwede ba isama na din yung detailing sa pagclaim ng insurance?
Please help me on this kasi gusto ko na siya lakarin bago mag expire yung insurance ko. Nung unang year kasi, hindi ko nagamit yun man lang, and this year, matatapos na so sana man lang mapakinabangan ko siya.
Wala kasi ako kaalam alam talaga sa pagclaim ng insurance pati parents ko so I hope you guys can help me pano maglakad ng insurance. Thanks.