Sayang. kung nagsabi lang sana ng totoo problem solved.
tinamad daw kasi ata lakarin ni TS ang police report kasi sa San Pedro Laguna daw nangyari. this happened to me last year, December 2016 - karambola sa Mindanao Avenue, Cement Mixer Truck at Van...sa pag-iwas ko, napunta ako sa gutter. wasak bumper ko at basag mags ko tapos CV joints ko bunot which will also affect yung tranny ko (CVT). they told me na they would repair it but after a few weeks of negotiation, napapayag ko sila na iconsider as total loss ang unit ko sa kadahilanan na din na ayaw nila isama ang tranny ko sa repair. sinabi ko nalang sa insurance at shop na sige, papayag ako pero once narepair yan at hinataw ko ng 110-120 sa expressway at may umugong sa tranny ko, obligado silang palitan ang tranny ko...sige napaisip sila at eventually pumayag nadin. what i did, nagsubmit lang ako ng police report, stating what happened tapos bahala na si insurance, kailangan lang kulitin mo sila kasi ako araw-araw tinatawagan ko sila to follow up. sobrang hassle dahil ang pasok ko sa office that time is 4am at wala naman akong spare na oto to use. sana maayos na yan sir at pumayag na i-total loss nalang since based sa story mo, mukang malaki ang damage...ayaw iconsider as OWN DAMAGE ng insurance?
Sometimes it really pays to have a good insurance broker rather than going directly to the insurance ... they can give valuable advise on what to do when claiming ...
Ok po, thank you so much po sa advice.Truly appreciated...
Although dun po sa 1st meeting namin, napatunayan naman po na in good faith ung insured kaya po kinonvince ni Insurance Commission si Commonwealth na i-work-out ung 350k na settlement kaso un nga po di pa rin umubra. :-(
May 3rd and last meeting po kami sa 27th October. Dun po namin malalaman ung result kung madadagdagan ung ex gratia ni Commonwealth Insurance.
Maraming salamat po ulit and God bless po. :-)
Good Luck! Sana madagdagan pa yung 50k.
Sent from my SM-T705 using Tsikot Forums mobile app
Hi po! Update lang po na tinanggap na namin ung 50k na ex gratia na binigay ni Commonwealth bale pinadagdagan lang po namin ng 4k para sa seat belt repair. Thank you sa inyong lahat!
Although napansin ko lang po na mukhang maraming umaabot pa sa Insurance Commission ang pag-claim sa Commonwealth Insurance. Kasi every time na may mediation meeting kami sa Insurance Commission, maraming Commonwealth adjuster na naka-schedule for mediation.
Sa palagay ko po, mahirap talagang kumuha ng claim sa Commonwealth Insurance. Kaya po next year, magpapalit na lang kami ng Insurance provider. Thank you po ulit. :-)
Hi po.hindi ko po alam panu mag post dito kaya d2 ko na lng po nilagay sana po mabigyan nyo ako ng tips kung panu mkipag usap ng maayos sa insurance ng sasakyan namin.1st time po namin mag claim.May sasakyan po kmi Honda Brio Amaze naabot po siya ng baha dito sa amin kasi halos 2 araw po wala tigil ang ulan dito sa batangas.nadala pa po nmin ung sasakyan sa honda pagdating po dun sabi punta kmi abogado para sa salaysay.inabot po ng halos 1 linggo bago lumabas estimated cost umabot po ng 404k ang mga papalitan kc pag dw po umabot levelb ung inabot ng baha mandatory dw po na may mga kailangan plitan.ung sasakyan po nmin ay under warranty pa kc 2years pa lng po.after ko po mkuha ung estimated cost dinala ko na po sa insurance para po sa LOA.pagkalipas po ng ilang araw lumabas po ang LOA kaso 17k lng po ang inapruban nila.sa tingin nyo po ba malakas laban nmin sa insurance nmin kc may meeting po kmi sa Oct.24 sa Insurance Commission . God Bless po salamat po sa mga sasagot.![]()
Di kaya wala kayong acts of god coverage sa insurance ninyo kaya ganun na lang ang amount na inoffer?
Sent from my SM-G930F using Tapatalk
Hello Good day po, Im currently working in Nissan UN ave from Insurance Dept. Maybe i can help you po sa mga Insurance renewal and Claim ng car/unit nyo..Baka po makatulong ako ..Pde po kayo mag pa quote sakin, any brand of vehicle/ unit pde pa insured or humingi ng quote try nyo lang po madami kami inhouse insurance.. thank you and godbless
Sent from my F3216 using Tsikot Forums mobile app
How much yun unit price ng kukuhaan mo ng insurance?
Ericson Cudiamat- Car Loan Broker -Come Visit Our Page And Get A Free Qoute Sure Fast Car Loan Approval PH
Hi po,
Hingi lang po sana ako ng advice kung pede namin kasuhan ung nagpagawa ng fabricated report? If kakasuhan po namin, ano po yung pede namin ikaso sa kanya?
Kasi dahil sa kanya, nagka-peste-peste ung claim namin sa insurance. :-(
Thanks a lot and have a blessed day!
Cherry :-)