
Originally Posted by
Cbstodomingo77
Hi po,
Bale ung nangyari po nagtiwala kami dun sa kakilala ng bayaw ko na isang insurance agent daw na sya na po bahala sa police report. Kaya po ginawan na lang nya ng kwento dun sa PNP at para makagawa ng police report na ang nakasaad po ay hit and run pero ung adjuster hindi sya naniniwalang hit and run po un. At ung kakilala ng bayaw ko na insurance agent daw, umamin sya dun sa adjuster na hindi nga sya hit and run. Na fabricated ung police report. Kaya po sya na-deny nung una.
Kaya pinakuha nya po kami ng totoong police report nung adjuster at sinalaysay po ung totoong nangyari dun sa HPG. Kaso pagdating po sa report ni adjuster, ang cause of denial nung second time, conflict statement daw po ung first and second police report.
First time po kasi namin nagkaron ng kotse at naaksidente, kaya po wala kami talagang alam pagdating sa pag-file ng claim. Naniwala kami dun sa kakilala ng bayaw ko kaya po nagkapeste-peste ung filing namin ng claim. :-(
Humingi po kami ng tulong sa Insurance Commission para humingi ng mediation. Kaso un nga po ung nangyari. Nung 1st meeting kala namin okay na lahat, pero biglang nagbago ung ihip ng hangin nung 2nd meeting. :-(
Salamat po.