Quote Originally Posted by krystalespiritu View Post
Hi guys. Kasi namatay father ko nung Decembee 2015 habang naka loan pa sa bangko yung kotse. Fully paid na last April 2017. Ngayon, kailangan namin ng extra judicial settlement para makuha ang collateral documents kasi nga namatay ang father ko, sa kanya nakapangalan lahat. Inaayos na namin ngayon. Kaso hindi kami binigyan ng kopya ng CR/OR. Nagulat nalang ako. For 3 years wala kaming kopya. Eh hinahanap yun para sa pag process ng extra judicial settlement. Hindi naman kasi ako nag ddrive at wala naman akong alam.

Tanong ko lang, pwede ba kami magrequest sa bangko ng kopya nun? Para maayos na yung extra judicial settlement at maipangalan na sa mom ko yung sasakyan.

Salamat.
Yes, pwede dapat yan. O kaya, try ninyong humingi din ng kopya mula sa dealer na pinagbilhan ng awto. I would assume na sila ang nag-forward ng original OR/CR noong unang nirehistro ang awto sa bangko. At least pareho silang magbibigay, whoever is able to send it to you first.

Sa bangko kasi ang alam ko may request and approval process pa ang mga documents so baka mga ilang araw din yan.