
Originally Posted by
whitebeard_
hello mga ka-tsikot,
nagbabasa ako sa mga thread dami ko nalalaman.
newbie lang ako gusto ko sana malaman opinion o advise niyo.
first time ko mag car loan sana, i am earning 45-50k monthly with allowance pa, di pa bawas tax, sss, pagibig etc.
nag-apply ako sa dealer for hyundai eon glx mt noong december 2017. maliit na sasakyan lang gusto ko dahil newbie driver din ako. at the same time di ganun kataas monthly niya. solo lang wala co-maker. may tumawag naman at nagCI kaso wala na update hanggang ngayon.
nitong nakaraan lang sabi ng SA need additional co-maker for eastwest bank, kaya hinihingan ko ng documents kapatid ko para i-add as co-maker.
nage-mail ako sa eastwest to follow-up my application para malaman status, naiinip na din kasi ako. sabi sa akin declined daw, i asked kung bakit di na nagbigay details.
wala po ako bad credit history, never had a credit card. i have an account in bdo for 2 years na.
gusto ko sana sa eastwest dahil may promo 0% down, may freebies na din like 3 years lto, insurance etc. MA 5 years 10k plus.
may pang down naman ako dahil pinaghandaan ko na din, pero yung hyundai eon madalas sa mga dealer zero down o 5k o 8k down.
tanong lang in case mag pasa pa ako ng additional co-maker kay SA will it make any difference kaso declined na ako sa eastwest based sa reply nila sa akin s e-mail?
last year 2 months ko pinag isipan kung kukuha ako ng sasakyan, cnompute ko na budget ko at magkano kaya ko MA. gusto ko talaga kumuha ng sasakyan dahil minsan o madalas ang hirap mag-commute talaga.
thanks. respect to post po.