
Originally Posted by
Mr.Banker
Hi Maki mi, yes meron na po. Sa ngayon po nasa early stages pa lamang ang mga banks tungkol dito pero the good news is halos lahat ng banks ay agreed na mag verify ng good credit standing ng clients nila.
Kung mapapansin ninyo, try nyo mag apply ng bagong credit card. Kapag wala kayong existing card e mas matagal ang approval at mababa ang credit limit kumpara sa kapag my nilagay kayo na existing card nyo.
I verify kasi ng ina applyan nyo ng card dun sa existing card issuer nyo ang credit and payment history ninyo.
Good thing about this "whitelist" is this, kapag kasama name nyo dun, pwede kayo bigyan ng bank or pwede mo i gamitin yun para makakuha ng "preferred rates" whether sa cards, loans or deposits.
Also, even sa visa applications ay tinitignan na din ang credit history ng mga applicants kaya importante po na maganda ang credit record natin.
Bihira nga po o halos walang nakukulong sa mga utang sa bank pero sana isipin po natin ganito:
Paano sa future pag kinailangan ko or ng family ko ng card? Ng personal loan? Or ng car loan? Or ng home loan? May mag a approve pa kaya na bank sa akin? - Malamang po ay wala.
Sensya na sa mahabang post. Sana po ay makatulong lang sa mga nag babalak na mag loan na pag isipan pong mabuti ang ganitong bagay ng sa huli ay di tayo mag sisi =)