May depreciation na po ba agad yung 5 months old 7-8k mile age ford fiesta??? Nabangga po kasi kami eh total wrecked na po yung fiesta ko. Babayaran po ba kami ng insurance ng katulad nung pagkakabili namin??? Ang alam ko kasi wala pa naman depreciation hanggat di pa nakaka 1 year.
^^kung ano yung amount na insured mo sa own damage (insurable interest), yun ang ibabalik sayo pag declared na total wreck...hindi new unit ang ibibigay sayo..
yung depreciation pag di total wreck and there are parts to be replaced lang...
Last edited by phezthie; October 5th, 2012 at 10:07 PM.
ang bagong car kapag nilabas mo na sa casa,lets say 1 day old, hindi mo na mabebenta sa original na price...(kung ako yon buyer, sa bago na lng ako, galing casa, tama?) pagdating sa usapin ng insurance, pagpirma mo pa lng sa contract policy (bgo yon car mo) makita mo na agad doon kung magkano na lng ang price ng car mo, ang tanong mo ay kung papalitan ng insurance ang car mo na nabannga(total loss),nacarnap, ang sagot ko ay "HINDI".. OK ganito yon, New car mo ay worth P1.0M, ikinuha mo ng insurance(good for 1 year), pumirma ka sa contract at nabasa mo doon na yon price value na lng ng car mo ay P900,000 n lng(within year of coverage), (nabannga 1 day after signing the contract or 1 day before maexpire yon contract policy)so kung total loss, P900,000 na lng ang sasagutin ng insurance...yon 100% insured na nakalagay doon ay hindi yon price na galing sa casa, yon 100% price na nakalagay sa insurance paper ay yon price value ng insurer...so kung gusto mo ay palit bago, dagdag ka pera. Ayaw mong magdagdag, sa korte ka na magdemanda,demanda mo na lng yon nakabannga kasi tapos na participation ng insurance company kung nagbigay na sila ng P900,000 as 100% insured ng car mo.
About participation fee, some insurance company(my insurance have this policy) offered no participation fee if your car is less than 3 years old.