New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 41
  1. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    1,111
    #1
    Nabangga kase ako ng motor kanina sa stoplight. Obviously sya may kasalanan, nakatigil lang ako eh. first time ko kase nabangga, di ko alam gagawin saka nag mamadali ako late na kase ako sa work. may lumapit na mmda/pulis pasig, nag picture lang saka hingingi kopya nung lisensya namin saka or/cr (nakuha naman namin ulit yung lisenesya saka or/cr). ang alam ko nga police report, pero pupunta pa daw kami sa ortigas, eh kaso late na talaga ko. so ginawa, nag exchange na lang kami ng details nung driver saka ng company info nya (aregluhan na lang). anu ba pwedeng gawin dito? sa insurance daw kase need ng police report. so puntahan ko na lang yung company at singilin ng pang repair? or pa repair ko muna saka ko singilin?

    pics:
    https://fbcdn-sphotos-a-a.akamaihd.n...68557977_o.jpg
    https://fbcdn-sphotos-f-a.akamaihd.n..._9811677_o.jpg

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    sa insurance, you need the police report. ano ang pinagkaaregluhan nyo? babayaran nya participation mo? kasama kasi yan sa police report eh.
    based dun sa picture, parang wala namang dent, tuklap lang yung pintura.

    if this is the case, maski di mo na ipasok sa insurance, pabayaran mo na lang yung paint job nung bumper.

  3. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    1,111
    #3
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post

    sir walang police report kase wala na ko time para pumunta pa. bali di pa kami nakakapag usap nung driver uli. baka tawagan ko na lang mamaya. yung aregluhan sabi ko sa kanya tatawagan ko na lang sya. umangat din yung bumper ng onti sa may mudguard. naibalik ko na lang uli. pero naka lobo pa din.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    nag agree yung driver? may pirmahan kayong ginawa?
    technically kasi, he is still not liable for something kung wala kayong pirmahang ginawa.

    sooner or later, ang sasabihin ng driver dyan, hindi ko ipapagawa yan dahil hindi naman ako nakabangga nyan...
    or pwedeng taguan ka na nyan.

    nangyari na din kasi sa akin yan eh. kaya i ended up shouldering the repair on my own.

    note na maski hindi ka bayaran nun, you still need the police report para maka claim sa insurance. ikaw na lang ang magbabayad ng participation fee.

  5. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #5
    mukhang paint transfer lang nangyari. baka makuha sa rubbing compound.

  6. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #6
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    mukhang paint transfer lang nangyari. baka makuha sa rubbing compound.
    oo nga parang ala namang dent. 3 to 4k presyuhan ng per panel, singilin mo na lang tapos ikaw na magpagawa.

  7. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    1,111
    #7
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    mukhang paint transfer lang nangyari. baka makuha sa rubbing compound.
    malalim sir yung gasgas. saka umangat din yung bumper sa side.

    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    nag agree yung driver? may pirmahan kayong ginawa?
    technically kasi, he is still not liable for something kung wala kayong pirmahang ginawa.

    sooner or later, ang sasabihin ng driver dyan, hindi ko ipapagawa yan dahil hindi naman ako nakabangga nyan...
    or pwedeng taguan ka na nyan.

    nangyari na din kasi sa akin yan eh. kaya i ended up shouldering the repair on my own.

    note na maski hindi ka bayaran nun, you still need the police report para maka claim sa insurance. ikaw na lang ang magbabayad ng participation fee.
    may pinirmahan kami sa papel lang. kaso kumag yung pasig mmda/pulis nawala agad. di ko na picturan. pag asa ko na lang pala na mabait yung driver na hindi ako gaguhin. saka sana mabait yung mga tao sa company nila. baka puntahan ko na lang bukas.

  8. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #8
    pwede mo na lang singilin 4K or siya magbayad ng participation mo if idaan pa sa insurance. hindi kita ung malalim na gasgas at pag angat ng rear bumper.

  9. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    1,111
    #9
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    pwede mo na lang singilin 4K or siya magbayad ng participation mo if idaan pa sa insurance. hindi kita ung malalim na gasgas at pag angat ng rear bumper.
    ok sir retz thanks. naibalik ko na kase yung umangat. medyo na mis align until now. medyo naka protrude yung mudguard based sa pics

    tinext ko yung driver at nagreply hindi daw nya kaya yung 3k. nako patay na.

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #10
    Quote Originally Posted by TheUninvited View Post
    ok sir retz thanks. naibalik ko na kase yung umangat. medyo na mis align until now. medyo naka protrude yung mudguard based sa pics

    tinext ko yung driver at nagreply hindi daw nya kaya yung 3k. nako patay na.
    Pahila mo yung motorcycle kung hindi kaya magbayad. Another way is patumba mo na lang para mabawasan ang mga peste sa daan.

Page 1 of 5 12345 LastLast

Tags for this Thread

1st time nabangga