To Everybody,
Nagtataka lang ako kung bakit yun mga hybrid na Toyota Prius at Honda Insight na noon pang 1997 ginagamit sa Japan ay hindi nakararating ng Pinas? Nasubukan naming mag-pamilya na mag-renta ng Honda Civic Hybrid noong Mayo sa ibang bansa. Sa highway driving ay 42 miles/gallon pero sa traffic ay 39 miles/gallon. Subok na sa katipiran ang hybrid na ito at marami sa Amerika ang bumibili ngayon ng mga hybrid na sasakyan. Ano ang dahilan kung bakit hindi nakararating sa Pinas? Di kaya hinaharang ng mga malalaking oil companies kasi kapag dumami ang hybrid ay bababa ang benta nila ng gasolina? Ngayon para hindi maaprubahan ang pagpasok sa Pinas ay binabayaran nila ang mga pulitiko natin. Mukhang ganyan ang nangyari kay Dingle. Hindi sinuportahan ng gobyerno natin dahil siguro nagbigay ng malaking pera ang mga taga-Saudi, Kuwait at iba pang mga bansa na may langis. Ano sa palagay ninyo? Lahat ng ito ay haka-haka lang at walang katiyakan. Ang pagbibigay ng ideya ay mas mabuti kaysa sa pag-usapan ang mga pangyayari sa kasalukuyan o mga buhay ng tao.




Reply With Quote

