New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Hindi na katuwa-tuwa ang presyo ng gasolina ngayon, at ito ang numero unong problema sa budget ng bawat motorista. Dahil nga walang solusyon sa problemang ito, naghahanap ang bawat motorista ng paraan upang mabawasan ang gastos.

    Upang sulitin ang milyahe ng inyong ‘mala-gintong’ gasolina, subukan ang mga sumusunod na pamamaraan:

    1. Nakakaimpluwensya sa fuel efficiency ang driving habit o attitude. Ang maingat na tsuper na marahang magmaneho ay may bentaheng makatipid ng gasolina dahil hindi nila sinasagad ang pagpapatakbo ng sasakyan, bagay na hindi nagbibigay ng mabigat na trabaho sa performance ng makina. Siyempre, pag magaan ang tinatrabaho ng makina, mas konting gas ang kinukonsumo.

    2. Panatilihing nasa kondisyon ang sasakyan. Ugaliing ipasuri ito sa isang professional mechanic. Ito ay kinabibilangan ng pag-check sa mga kalampag, loose wiring at oil levels.

    3. Iwasan ang mabigat na pagtapak sa gas pedal kapag ini-start ang makina, gayundin kapag tumatakbo na ang sasakyan. Hindi lang delikado ang nakikipagratratan sa stoplight races, malaki ring bahagi ng inyong gasolina ang inuubos nito. Ang pinakamainam ay maging suwabe sa pagmamaneho (moderate speed).

    4. Iwasan ang pagda-drag ng sasakyan. Ang air resistance ay tumataas habang bumibilis ang sasakyan. Nadetermina ng mga mechanical engineers na sa pagpapanatili sa 80 kph speed sa open highway ang siyang pinakamainam sa pagitan ng traveling speed at gas consumption. Subalit ang pagpapatakbo ng mas mababa sa 10 kph ay nagpapakonsumo naman ng hanggang 10 porsiyento ng gasolina.

    5. Siguraduhin na laging nasa alignment ang mga gulong ng sasakyan. Nagdaragdag ng malaking pasanin sa performance ng makina ang unaligned wheels at dito’y nakakaubos din ng ilang porsiyento ng gasolina. Isaisip din na ang kakulangan ng hangin ng isang gulong ay isa ring dahilan sa pagtaas ng konsumo ng gas dahil nagkakaroon ng ‘rolling resistance’.

    6. Magtanggal ng mga bagaheng hindi naman kinakailangang dalhin sa inyong pagbibiyahe. Kapag may extra 200 pounds na hinihila ng makina, ito ay kumakain din ng hanggang 4% consumption sa gas.

    7. Magpakarga ng gas sa medyo malamig na kondisyon ng klima. May milyaheng tulong kapag ang gasolina ay malamig (coolest).

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,343
    #2
    Maraming salamat sa mga payo mo boeing. Ito'y malaking tulong sa pamamaraan ng tamang paggamit ng gatong.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #3
    Keep your car in your garage.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #4
    Quote Originally Posted by afrasay
    Keep your car in your garage.
    Yan ang the best walang gastos hehehehe (like me)

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,866
    #5
    yari ako sa #6.

    bakit naman kasi mas madali weight reduction sa kotse kesa sa driver eh? :lol:

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #6
    galeng ng nag translate sa tagalog ah

  7. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    105
    #7
    nationalistic ah

    magbike na lang tayong lahat!!

Sulitin ang milyahe ng inyong gasolina