ako yung friend ni nugundam na nag-experiment with methanol at eto yung buong kwento ng experiment ( gamit ko eh 2.5 mk2 lwb na pajero)
nabasa ko yung methanol mixture sa forums ng www.pocuk.com. matagal na akong gumagamit ng biodiesel at gusto ko na man i-try iba. nalinis na kasi ng biodiesel fuel lines ko at combustion kaya wala na usok yung paj(pero kasama na dun yung blanked-off EGR valve mod). yung effect ng biodiesel ay maganda at i-rerecommend ko yun.
nung nabasa ko sa forums ng pocuk about methanol at since successful naman test nila eh nag-try din ako nung pauwi ako ng pampanga. 150+ km yun pauwi at pabalik at eto results
before methanol mix(pure shell diesoline ultra)
150+km = P500+ worth of diesel
after (<1% methanol mixture, 22+L diesel + 200mL methanol)
150+km = P350-P400 na lang...
sa city driving naman:
before methanol mix(pure shell diesoline ultra)
30km = P100+ worth of diesel
after (with < 1% methanol mixture)
40km+ = P100 worth ng diesel+methanol
so mas matipid talaga...kaya lang di ko rin irerecommend ito kasi mababa or walang lubricity yung methanol. kaya ko lang naman natry sa paj ko kasi 4d56 yung engine nun at iba yung fuel pump dahil old skul at na-totolerate yung low lubricity diesels(ayon sa pocuk).
yung test eh intended as one time trial, pero hanggang ngayon eh gamit ko pa rin yung methanol sa city driving. napansin ko lang habang tumatagal gamit ko ng methanol eh bumabalik sa dati yung consumption. yung quality kasi ng methanol eh bumababa habang na-eexpose sa hangin lalo na at di maganda yung container nung nabili ko yung 1L methanol (worth P75) sa UP shopping center ba yun(shopping center ba talaga o coop?). gamit ko ring methanol eh hindi pure (may konting castor oil sabi sa UP shopping center ). pure dapat bibilhin ko kaso mahal nasa P1000 + ata 2.5L.
so marerecommend ko ba ito...nope. kasi mababa or walang lubricity nga yung methanol. pero %1 lang din naman kasi ginawa ko kaya walang nasira. kung pure methanol eh ibang usapan na yun. yung methanol sa test eh additive yung role nya at hindi total diesel replacement na pwede mong gawin sa biodiesel(pagkakabasa ko).
long term effect? pagbili ko ng next batch ng 1L methanol, check ko ulit...
try ko naman next eh veg oil+methanol+diesel mixture. mix is 1L+0.10L+0.01L diesel+veg oil+methanol mixture.
kaya lang matagal pa yan kasi busy na rin ako... at handa ng pera kung may masira man, na wag naman sana...hhaaaayyyyy
nagsimula yung desire ko na maghanap ng alternative fuel or fuel mixture sa diesel engine nung nabasa ko na yung 1st engine pala ni Rudolf Diesel eh tumakbo sa peanut oil. mahal na mahal ko diesel engines kasi pwede palang maging environment-friendly ang mga ito.
gusto nyo hintay na lang sa veg oil experiment para mas marami pagpipilian.
at sa mga gustong mag-test, research muna about sa diesel engine nyo kung saan limit nito sa fuel,temp etc. at wag nyo akong gagayahin kasi nerdy-geek talaga ako at nagiging malaking problema na talaga yun sa iba at sa sarili ko ...hehehehe
ayun lang...wala na ako masasabi...experiment na lang at your own risk, aral marami then experiment...