New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 21 to 39 of 39

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    144
    #1
    Biktima na ako ng ganyan. Ang problema yung manghuhuli basta may nakitang usok pag hinataw ang silinyador, smoke belcher na. Abala talaga. Napilitan akong nagpa-check ng injection pump para pagpunta sa testing center ok lahat (buti na lang naka warranty pa noon ang fx ko).

  2. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    128
    #2
    Loko yung nanghuli...dapat pala 3500 rpm kapag nagtetesting. pero yung pag testing nila binobomba lang nila ng malakas and walang rpm gauge ang tester nila. nung sabado nagpatest ako sa emission testing center 2.04 ang reading ko as against sa 2.5 standard. walang alam yung mga nanghuhuli basta huli lang nang huli... walang guidelines....tsk...

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    152
    #3
    Quote Originally Posted by geo
    Loko yung nanghuli...dapat pala 3500 rpm kapag nagtetesting. pero yung pag testing nila binobomba lang nila ng malakas and walang rpm gauge ang tester nila. nung sabado nagpatest ako sa emission testing center 2.04 ang reading ko as against sa 2.5 standard. walang alam yung mga nanghuhuli basta huli lang nang huli... walang guidelines....tsk...
    exactly dapat may guidelines , or kung pwede picturan nyo ung nanghuhuli para madali ireklamo

  4. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    474
    #4
    san po ba usually nakapwesto itong mga to? i might be going to the newly opened sm mall of asia this friday...coming from edsa, will i be safe if i'll pass by buendia straight to roxas? nabiktima na ako once nito about a year ago, hassle talaga. pero ang pwesto nila dun sa may tent just before the flyover pabalik ng edsa, or just right after you turn right, coming from paseo.

  5. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    637
    #5
    nahuli na rin kami niyan 2 times na sa C5 1k binigay ko para hindi kunin plaka. buti na lang ngayon wala na yata sila dun kasi basta makita na grace or besta na van pinapara na nila agad.
    Last edited by jeff; May 24th, 2006 at 01:50 PM.

  6. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    128
    #6
    Nag pa emissions test ulit kami sa 2 emissions testing center na accredited ng lto. Pasado naman. I have written a letter to the LTO adjudication committee and the Anti smoke belching unit of DENR and showed them the results of the test. I spent 600 pesos for the 2 emmissions test and 600 pesos for transpo and allowances for a total of 1200 pesos. Hassle talaga.

    Lesson learned: be informed. You have to know the guidelines and be confident about the emissions of your vehicle.Kung alam mo namang nakapasa ka sa testing center you have nothing to fear. Sa kalye kasi usually hindi tama ang procedures nila and hindi nila mine measure ang rpm. So be informed para di ka nila ma-bully. Threaten them . Lakasan lang ng loob.

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #7
    Quote Originally Posted by geo
    Nag pa emissions test ulit kami sa 2 emissions testing center na accredited ng lto. Pasado naman. I have written a letter to the LTO adjudication committee and the Anti smoke belching unit of DENR and showed them the results of the test. I spent 600 pesos for the 2 emmissions test and 600 pesos for transpo and allowances for a total of 1200 pesos. Hassle talaga.

    Lesson learned: be informed. You have to know the guidelines and be confident about the emissions of your vehicle.Kung alam mo namang nakapasa ka sa testing center you have nothing to fear. Sa kalye kasi usually hindi tama ang procedures nila and hindi nila mine measure ang rpm. So be informed para di ka nila ma-bully. Threaten them . Lakasan lang ng loob.
    Pano kung walang tacho yung sasakyan ko? ano dapat ang sasabihin?

  8. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    128
    #8
    Quote Originally Posted by laklak
    Pano kung walang tacho yung sasakyan ko? ano dapat ang sasabihin?

    dapat meron silang gauge. sa mga emission testing center meron .

  9. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    128
    #9
    anyway, nasa adjudication committee na yung kaso and there will be a hearing next week so maghaharapan na kami nung ungas na nanghuli. to date i think around 2000 na ang nagagastos namin pwera pa yung abala. di ko na rin iniiisip ang gastos, bahala na. prinsipyo lang pinaglalaban ko dito. para sa bayan ang laban nato hehe

  10. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    637
    #10
    saka sa tingin ko may daya yung pang test nila ng emission kahit bagong diesel na sasakyan isalang mo dun bagsak parin. lakas ng raket ng mga hinayupak na yon sarap batuhan ng granada. :fire:

  11. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    152
    #11
    go sir geo !! :D

  12. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    116
    #12
    sa pagkakaalam ko yung sulfur content ng usok ang sinusukat at hindi yung kung gaano ka itim at kalakas ang usok ng diesel engine. every dieseler knows na talagang mausok itong mga engines na to. but it does not necessarily mean na nakakadagdag na tayo ng pollution sa hangin. it is about time na mag-invest na tayo ng hidden video cam sa mga sasakyan natin. the only way na mapahiya sila is to expose them sa media. sobra na ginagawa nila. it has to stop. bat nde kaya sila maghanapbuhay ng matino.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    48
    #13
    ang style dyan mga sirs is to always drive sa inner most lane para hindi ka ma chambahan ma-flag down

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    48
    #14
    ang style dyan mga sir is to always drive in the inner most lane para hindi ka ma-chambahan ma-flag down

  15. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #15
    Nahuli yung L300 ko 2 years ago Edsa near merlaco. Tinapakan ni manong yung silinyador na parang pag tapak ng mga driver sa LE MANS.Tapos isang matindi at mahabaaaaaaang bomba.Siempre umusok, sa tapak ni manong naisip ko kahit brand new na Pajero diesel uusok. As in literal sumigaw yung makina, nakakaawa talaga yung tunog. Kung may tach lang yung pandeliver ko ng tubig sigurado ko RED LINE yun.Kinuha yung plaka at pinatubos sa LTO easr Ave. Eto nakakaasar. Pag punta ko dun pilit kong kinausap yung bossing nila, at pinagbigyan naman ako.

    Sabi ko ser tinapakan ng todo ng mga boys mo yung pedal ko talagang uusok yun kahit galing sa planta na sasakyan. Sana meron kayong guidelines kung ilang RPM ang tamang measurement, ilan nga ba dapat?

    Bossing: Ano yun? RPM? (sabay bunot ng papel at sulat) Kasi may meeting kami mamaya i bibring up ko sinasabi mo ser!!

    Me: RPM, revolutions per minute, yun yung sukat kung gano kasigaw yung makina (siempre in lay man's terms)

    Bossing: Ahhh... sige i bring up ko ser..

    Me: Tsaka ser sana kung may guidelines na dapat pinapakita sa driver yun para may common ground sila sa ginagawa hindi yung bobombahin ng todo at mahaba yung makina. Natural babagsak yun sa testing.

    Bossing: ok no problem,(actually maayos naman siya kausap)

    Langya lumabas ako na nagiisip at nagkakamot ng ulo, naknang baka di nila alam yung mga technicalities ng ginagawa nila. Parang feeling ko useless din makipag debate kay Bossing kasi ni hindi niya alam kung ano punto de bista ko. Pumasok nalang sa isip ko ANO PA GINAGAWA KO SA PILIPINAS!! Bat ganto dito nagbabayad naman ako ng tax di naman ako ng aagrabyado lahat ng fees at payments sa gobierno para patakbo ng negosyo maayos naman. Minsan GUSTO MO NALANG SUMIGAW! UMIYAK SA SULOK! Ang kinaasaran ko hindi na sa pagkuha ng plaka ko, kung pano na nila patakbuhin ang mga opisina rito.....Well ganun talaga eh... I lab yu PILEPENS ika nga ni pakyaw!!

  16. FrankDrebin Guest
    #16
    Legal bang manghuli ang LTO? Alam ko DENR lang. Looks like a modus operandi ops.

  17. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    128
    #17
    yes...ang lead agency is denr but this is in coordination with LGUs lto, etc.

  18. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,119
    #18
    He he! Pabayaan mo na... mabait naman e

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Anti Smoke Belching Operations along Edsa