New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast
Results 31 to 40 of 75
  1. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    21,582
    #31
    Ano na kaya napili ni TS?

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #32
    yan bang UV or GT express, kelangan puti talaga yung van na gamit mo?
    pa'no kung yung nabili mong van, dark colored? ipapa-repaint pa ba ito w/ white?

    TS....kung P300K lang budget (pati franchise), mukhang kapos sir. sa franchise pa lang, gagastos ka na ng malaki.
    ano pa mabibili mong unit nyan?

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,931
    #33
    May Grace kami dati, laging sira..sabagy yun yung luma, kung mas bago bagong modelo ewan ko lang kung nag improve na.

  4. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #34
    Quote Originally Posted by greatauror28 View Post
    Can you PM me your contact sir? Tagal na kasi akong naghahanap ng nagbebenta ng linya ang mamahal. 120K ang presyuhan ngaun karamihan ng nakakausap kong driver ng shuttle, ang sabi binibili daw kasi ng taga loob ng LTFRB ang mga prangkisa tapos ibebenta ng mahal. As per my father din, ang presyo daw dati ng franchise kapag sa LTFRB ka kukuha ay nasa 30K lang, ngayon 4x the price na

    Btw, i have a toyota hiace commuter na pinapa van-for-rent na lang kasi nga wala pang linya.

    *TS: you might also try to go my route, so far so good sa start hatak ka muna customers, then kapag madami ka na contact, they keep on returning na lang to you.

    sir sa nabanggit mong price ng UV express, mababa pa yan, yung ibang route mas mahal dahil mas maraming commuters at sure na mabilis nag ROI, kailangan kung kukuha ka ng UV express malakas ang biyahe, anu bang route ang balak mo kunin? It's true na yung mga mismong taga LTFRB ang nagfifinance na bilhin yung mga available franchise at ibebenta ng mahal sa labas. sila pa nga mismo nauuna tulad ng kwento ng friend ko, may kapitbahay siyang taga LTFRB, naglabas ng 10 units of van.

    Mukhang ok naman ata sir yung rental mo, colorum na lang muna sir mas exciting, strike anywhere hehehe joke lang sir, mas ok nga talaga may franchise kase wala ka iisiping huli at sigurado ang income

  5. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #35
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    yan bang UV or GT express, kelangan puti talaga yung van na gamit mo?
    pa'no kung yung nabili mong van, dark colored? ipapa-repaint pa ba ito w/ white?

    TS....kung P300K lang budget (pati franchise), mukhang kapos sir. sa franchise pa lang, gagastos ka na ng malaki.
    ano pa mabibili mong unit nyan?

    Kapos nga sir sa 300k budget, kahit na financing yung makuha mong van basta may franchise makuha naman yung pang MA, kailangan kulay puti yung unit sa UV express kaya kung hindi white kailangan mag pa change color, kaya kung kukuha ka pang UV express white color na.

  6. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,509
    #36
    sir i have lots of friends na bumabyahe... they dont recommend crosswind.. dahil sirain daw ang pang ilalim at ang trannny.. pero matipid...

    ang adventure naman malakas daw sa crudo, at mahal ang parts....

    ang urvan naman nag ooverheat at madali masira... the best talaga eh van... para madaming pasahero isang byahe mo ang katumbas eh 2byahe na ng 10 seater...

    dont buy din ng FB type ng van at ayaw sakyan ng pasahero yun... ganun din yung urvan na 21 seater... yung grace naman at L3 masikip daw... at 14 lang ang max pasengers nyo... get at least a van that can seat at least 16 pasengers... no more than 18...

    dont buy bnew at magkaka problema ka sa pag bayad ng monthly... mga veterano ng byahero eh hirap na hirap pa din mag
    monthly.. pag b.new monthly mo pag van nasa 20t... 5-6years to pay... DAIG MO PA NABABANGA BUWAN BUWAN...

    any good 2nd hand van... would do... just be sure to repair or replaced all parts that needs to be fixed... hindi ka gagastos ng 10T monthly sa maintenance... compare mo naman sa 20t montly hulog mo... at mauubos din ang sira yan... magiging bago din lahat ng luma nyan... magiging good as new din yan... wag mo lang titipidin sa maintenance always OEM parts as much as possible... at 10t per month... after 2years lang malamang good as new na ang van mo... fully loaded with accesories pa... thats worth 240k worth of maintenance and another 240K sa savings mo... kung compare mo sa b.new at installment mo nakuha...

    bawal din magkasakit bawal din ang mabangga pag may monthly payment ka... wala din holiday... pati coding mapipilitan kang
    bumyahe...

    kung 10 seater recommend ko revo na diesel kung van mb100 or mb140.. or the hiace commuter d4d.. yung d4d may nagbebenta nun nasa 750k

    franchise ang kunin mo yung byaheng sm north or trinoma to sm fairview... then pa member ka pa.... maganda byahe dun... you can earn 3.5t per day kung masipag ka...

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,931
    #37
    Crosswind mahina ilalim?

    Mas ok ang Mb? tsaka Revo na diesel?

  8. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,335
    #38
    Quote Originally Posted by oliver1013 View Post
    Crosswind mahina ilalim?

    Mas ok ang Mb? tsaka Revo na diesel?
    Pati Adventure malakas daw sa crudo at mahal ang pyesa.

    Galing. Diba mura lang parts ng 4D56 tsaka ng Adventure mismo..

  9. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #39
    *Sir Glenn, Regarding sa issues na nabangit mo sa crosswind, may nagyayari nga na ganun sa underchssis at tranny sa mga for hire vehicles, pero hindi naman malaking issue na mahina, depende na lang sa mga gumagamit o driver kung talagang hindi marunung mag ingat, you can avoid the issue sa tranny at underchassis ng crosswind kung maingat naman yung mag dadala.

    May mga biyahe nga na maarte ang mga tao mapili sa sasakyan pero madalas sa atin kulang ang mga shuttle kaya kahit anu mang unit sinasakyan ng mga tao kapag rush hour. hulugan man yung makuhang sasakyan basta marunung mag handle ng mga expenses yung may ari kaya naman, maraming din mga route na maganda sa UV express

    Kung sa 10 seater AUV, sa crosswind pa din ako, sa van, urvan...kaya naman din masolusyunan yang overheat issues wag lang pabaya ang may ari or driver, BTW 2008 up model ang required sa UV express.

  10. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,509
    #40
    mahal ang parts compare mo sa mb100 na van at revo... btw ang pagkakaalam ko but im not sure may lumalabas pa din na 2008 registered na mb van... galing port of irene kaya pasok pa din po ata yan sa uv..

    malakas sa crudo ang adventure compare mo sa crosswind at revo...

    try nyo magtanong sa mga byahero... ayan ang mga araw araw at rumaratrat sa kalsada...

    laspagan ang gamit.... it is only based on my experience at mga kasamahan ko na bumabyahe at rent a car... and where in the bus. since 1995... fx palang nun ang uso... we always makes comparisons... price... durability, fc, lahat po ng pangbyahe meron kmi... yung binabangit dyan sa thread na hiace na super grandia na black... samin byahe yun.... meron din ngang grand starex... meron pa ngang kia carnival sedona... pajero.. may naka sportivo... at pag coding yung montero naman byahe din nya....

    yung iba sa mga kasamahan ko durog na ang sasakyan pero bumabyhe pa din... ang isa sa pinaka tumagal eh yun mga naka mb na van....... durog na ang grace, besta, hiace may lumabas pang bagong urvan, adventure, d4d hiace, etc.... maayos pa din yung mga mb na van.... mga upuan, interiors, bubong sariwa pa din(yung harap na door trim lang ang hindi)... generally mas maganda pa tumakbo compare mo sa iba.... yung d4d hi-ace lang ang umaangat...

    at based on our observation... ang mga pasahero eh mas gusto sumakay sa mga naka mb kesa sa mga d4d hiace commuter at urvan... (pag hiace at urvan na ang nakasalang pinipilahan ng mga tao lalo na pag ang kasunod eh mb na van) mas maluwag daw at hindi nakakahilo... swabe tumakbo at nakakatulog daw sila... maliban dun sa isang naka mb100 na puro banga basag pa salamin sa likod, tapos amoy paa pa!! he.he..... at ang pinapalit nyan parts eh yung mga pinagpalitan parts na ng mga naka mb... pwede pa din daw kasi yun....

Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast
What is the Best gawing UV or GT Express Van