
Originally Posted by
boy_tino
FX 11 seaters kasama na ang driver pasok na pasok ang 200k mo dito di lang yan may sobra pa, well ganun din sa revo kasi kung revo naman hindi aabot ang 200k mo ang pinaka mababang mabibili mo nyan ay nasa 250k pataas at dipende pa sa modelo.
kung adventure naman medyo may kasikipan, pasok pa rin ang budget mong 200k at may sobra ka pa din kung first generation ang modelo.
lite ace, hi-ace, L300, vanette at grace ok lang naman kaso ang ayaw ko lang naman dyan ay flat nose ito kaya kapag nabangga ang harap mo may possibility maipit at madurog ang mga paa mo at ang katabi mong sakay.
mga subic van naman gaya ng delica, serena na medyo bilugan, lucida at emina may kahirapan sa piyesa lalo na kung mga ilaw sa labas, grills, bumper at mga salamin.