New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    May 2009
    Posts
    28
    #1
    which is better in terms of performance and maintenace and hindi matakaw sa gas?

    im confused between the two, balak ko bumili ng car for city driving (home - office)

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #2
    Corolla Small body kung philippine domestic market (PDM) ang pagbabasehan meron itong dalawang klase ng makina "1.6 16vavle at 1.3 12valve engine", ang konsumo ng ng gasolina ng dalawa na yan ay halos hindi nagkakalayo malakas ng bahagya ang 1.6 16valve 1.6 ang kagandahan naman nitong 1.6 kahit marami kang sakay ay hindi naman hirap ang makina mo di tulad ng 1.3 medyo hirap at syempre kapag hirap ang makina mo ay lalakas ang konsumo nyan sa gasolina.

    ang kagandahan naman ng small body ay madaling i-maintain ito dahil ang fuel system ng mga makina nila de karburador at pagdating naman sa piyesa ay madami-dami at medyo mura bale ang disadvantage ng fuel system na yan dahil sa ito ay de karburador ay medyo maliit lang naman at madali lang remedyuhan.

    ang karburador kasi kapag tumatagal ay nag-iiba ang mga adjuster dahil sa vibration ng makina at di lang yan lumalaki rin ang butas ng mga jets na nagiging dahilan ng paglakas ng konsumo ng gasolina saka mas prone dumi na puedeng magpapugak-pugak na andar na makina mo at pag-sinok ng karburador dahil nababarahan ng dumi kung bakit habang umaandar ka ay biglaan na ka na lang namamatayan ng makina kahit may air filter pa ito.

    pero ang kagandahan naman nito ay madaling linisin at ayusin dahil hindi ito sensitive ng katulad ng sa EFI.


    Sentra series 2 ECCS 1.6 16vavle EFI engine ok din ito kasi kasi all power na ito at ang preno nito ay "anti-lock break system" (ABS) so ibig sabihin kahit may kabilisan ang takbo mo lalo na kung nasa kurbada ka pag nag preno ka ng biglaan ay hindi ito nag lalock ang preno mo na puedeng mauwi ng pag slide ng kotse mo at di lang yan mas fuel efficient ito dahil sa fuel system nito ay "electronic fuel injection" (EFI).



    ang EFI ay may "engine control unit" (ECU) o mas kilala sa atin na "computer box" at electronic injection kung kaya mas fuel efficient ito dahil kontrolado ito ng computer box at injection ang daloy at konsumo ng gasolina di tulad ng de karburador ng makina ay naka dipende lang sa mismong karburador at yan ang advantage nyan.

    sa maintenance madali rin pero hindi kasing dali ng de karburador. disadvante naman nito kapag nasira or kahit magka problema lang ng bahagya sa ECU or computer box ay mapapanget ang andar ng makina mo at puede rin hindi umaandar ito kahit anong lakas ng battery mo pati na rin sa mga. sa mga sensor naman dahil EFI nga ito isa lang sa mga may sensor ang may sira ganun din papanget ang andar, syempre kapag kulang naman ganun din lalo na kung magpaparepair ka ng ECU ay may kamahalan.

    paglinis naman ng intake throttle, fuel rail, injections at iba pang bagay na konektado sa mga yan ay madali lang din basta kung saan nyo tinanggal ang mga yan ay doon nyo rin ibabalik ng maayos kasi medyo sensitive ito

    parts ay may kamahalan pero available din sa mga sa auto surplus shop.

Small Body vs Sentra 91 ECCS