parehong mura
parehong subok na
parehong jurassic
parehong matagtag
alin kaya sa 2 ang OK?
parehong mura
parehong subok na
parehong jurassic
parehong matagtag
alin kaya sa 2 ang OK?
Mas mahal ang Urvan, at mas mataas ang passenger capacity niya. Kaya mukhang eto na yung de-facto or vehicle of choice ng shuttle operators o yung mga may linya ng GT-Express.
Urvan ang practical choice ko.
My family owns L300 Versa Van. First owner kami. Sobrang tatag. Ganda pa rin ng makna (never binaba) dahil alaga sa change oil and stuff. nagpapalit na kmi ng ilalim and gulong pero as far as maintenance, sobrang minimal. Due to wear and tear pa. Matipid pa rin sya sa diesel. As far as I can observe, 12-15km / liter parin sya. swabe pa rin. L300 for the win!![]()
OT: mang benjie,tawagan nyo po ako sa cel. may news ako
sabagay subok na talaga yun L300 ano...peo parang crude kasi eh...ano pa ba mga contender nito bukod sa hiace?
school Bus namin 1997 L300 Versa Van 11 years na ok pa rin ang hatak mabilis ang acceleration pino pa rin ang tunog ng makina hindi tunog lata ang makina di tulad ng Urvan parang Lata ang tunog ng makina
Hello. I'm planning to get a brand new Urvan Escapde and my second choice would be the 2010 L300 Versa Van. So far, the only reason why I would get the L300 is the money I'll save for 5yrs, and that's amounting to about 240K.
The two are basically the same, but I'd get the Urvan for the more powerful engine and better aircon. The only ace I can think of that the L300 has against the Urvan is the dual sliding doors and the lower price, besides, if you are the one driving, you wouldn't want the L300's column mounted shifter, manual yun, nakakangawit kaya...
I remember the times when I was a little boy always seating at the front of our gasoline fed L300VV, when it's traffic I always tell my father, "ang init na ng pwet ko, yung sayo?" Hahaha, then my dad said, hindi daw, kasi sa akin daw yung makina, sa kanya wala. Ahahahaha!
At nakakatuwa yung shifter nun, naalala ko maliit pa ako, tas nung bago lang sa amin yung L300 nalilito dad ko, akala niya lage nasa baba yung stick hehe. Pero ang cool niya, gusto ko matry. hindi ko kasi yun na drive, 7 years old pa lang ata ako nun. hehe.
Sorry OT. Pero solved nanaman ata yung issue na nagiging mainit yung upuan. Tama ba?
Madame nakakaupo sa urvan kaya lang nasisikipan ako eh, sa L300 mas maluwag, may patungan pa ng paa. Kung family, L300 ako, tas kung pang shuttle, urvan na lang, mas malake yung kita mo dun. Hindi nanaman siguro masama yung aircon ng bagong L300 ngayon nu? O mainit pa din? Kung hindi kasing lamig ng sa urvan, pero malamig na din, L300 na lang.
Mas classic nga lang look nung L300,
Urvan for me... Both are reliable, but the aircon is critical for a large van like this...
ang issue ko lang sa urvan is ung cylinder head madali daw mag crack. nakagamet na din kame paakyat baguio. on patag ok sya mas malakas manakbo vs 2000mdl grandia. pero sa akyatan hirap tapos lumampas 1/2 ung engine temp. la pa 1yr ung urvan na gamet namen. ung L300 naman ganun din kapag paakyat at puno may tendency mag overheat.
considering all factors plus price diff parang L300 nalang. ung red maganda
mas malakas lang talaga makina ng urvan na td27 kaysa 4d56. pero para sakin syempre l300 mura pa imaintain basta alagaan lang sa change oil. yung samin 2007 model binabyahe namin sa nueva ecija and pangasinan 10 pax ok, plus cargo pa ok naman in fact kaya pa nya tumakbo ng 100kp/h walang overheat nasa 1/2 lng ang temp. kinakargahan pa namin ng itlog pambyahe from antipolo city to pililia vice versa. sa reliability and durability ok talaga ang l300. pagtiisan mo lang dahil mabagal talaga sya. built sya for hauling purposes lang..