kung madagdagan mo ng konti budget mo mag mb100 ka na lang, basta yung CMC version. sa ibat ibang van na natry namin mb100 pa din binabalikan namin, very reliable, lakas pa aircon. pregio di reliable, sirain sya, sa 2 units na natry namin halos parehong sirain, local units pa....
yung grace naman, d na namin sinubukan, karamihan kasi nito reconditioned.. L300 ok naman pang harabas, magimprove aircon nya kung ililipat yung location ng evaporator?? di ko lam tawag e, basta yung parang radiator ng aircon, kasi di sya masyado nahahanginan sa engine bay, ililipat sa lugar na maganda airflow. pangit nga lang sa L300 e yung styling nya, mula ng unang labas ng 80's e ganun pa rin hangang ngayon, nag iba lang air con, P/S, interior color, kahit power window lang sana idagdag.. pero kung L300 Exceed, ibang usapan na yun..