True, matibay po yung 4JA1, yung Hi-Lander namin nagkaproblema nga lang sa feed pump dahil sa katagalan na at dumi pa ng diesel na kinakarga may lumot pa. Mileage is 211K+ Km na.
Tapos dati nalaman na lang namin puno na ng langis yung radiator kasi tumataas temp. Sira na pala yung water pump. Pero unaandar pa din siya. But I'm sure kulang talaga sa maintenance yun kasi ride and go lang, kahit changeoil nalilimutan pa. Hehe.
Na compare ko lang sa old L300 VV namin na ilang beses na nagpacalibrate sobrang usok pa din talaga hanggang binenta na lang, tapos yung 4D56 based engine ng TDi Starex namin may stalling engine problems na di ma diagnose ng CASA.
Ngayong minor lang differences ng Hi-Lander sa Crosswind I'm sure matibay talaga. Though may rumor na palit engine na Crosswind dahil sa upcoming Euro compliance upgrade next year.