
Originally Posted by
17Sphynx17
No. If ATF ang nakasulat sa shop kung san niya pinagawa, iwan mo na sa kanya susi and hanap ka na iba.
CVTF / CVT Fluid talaga dapat ang ikarga sa experience ko. And sa Honda, kung "casa maintained" yan, signficant cost yan na hindi pwedeng pikit mata oo ka lang. Maaalala mo yan kung first sabihin sa iyo ng casa papalitan. Every 2 years interval, kung hindi ako nagkakamali, ang cost dun sa 2008 Honda City i-Dsi namin dati 10k-12k php ata yung cost to replace (labor and material) sa Honda Q Ave. Di ko na maalala exact. Ginagawa ko sa amin every 3 years approx instead of 2 kasi 10000 kms per year lang takbo ko nuon sa City. Kung ayaw mo ba naman as car owner, wala naman magagawa casa, basta decision mo na as owner kung may mangyari as a result ng di pagsunud sa service advice nila diba?
So kung talaga casa maintained yung Honda City niya, ilabas niya yung service record na invoice/receipt na may breakdown nung service item na yun. Sigurado andun dapat yan, lalo kung sa Honda Casa siya nagpapagawa. Kung sa gas station lang, wala yan sigurado ginawa pa.
Di mo masasabi kung okay "sa ngayon" ang takbo pag test drive mo. Ang CVT pag nasira, palit buo usually, hindi pwede part lang ng nasira.
Pero sa experience ko mga "sumpung" nung CVT ko, is may "missing" gear pag sa manual mode makikita mo na nagskip siya ng gear kasi hindi na siya makapasok sa "ratio" ng simulated gear na yun. Paminsan habang umaarangkada ka may "Dead zone" na parang nawala sa "kagat" yung transmission and nagfree spin lang makina mo na di umaabot power sa gulong then kakagat ulit. Itong sa akin na dalawang mapapansin mo, lumabas naman dahil nung wala ako sa bahay na dead battery tinanggal battery bago pinalitan. Ito yung sinasabi nila na bawal mag "reset" yung computer box pag nagpalit ng battery ng kotse. Pumupunta pa ako sa Honda Casa mismo para ibalik sa tama yung computer code via "update" or restore to default nila. 400php yung charge sa akin ng Q Ave sa last ko pinagawa. Pero kung pinabayaan din yun at physically nadamage na CVT, wala na magagawa Honda kahit reset pa nila. Ayaw nila galawin yan and sasabihin na lang nila sa iyo palitan na buong assembly.
Sa CVT dapat tama talaga yung oil/fluids na ginagamit. Kaya nung time nung City namin, sa Honda ko lang pinapagawa kasi takot ako mali gawin ng technician sa labas or lokohin ako kung anu ipapalit.