
Originally Posted by
guttersnipe
Mga sir,
Pasensya na po at naki-ride ako dito sa topic ni TS. Hindi po kasi ako makapag start ng thread. Anyways, I am a simple rank and file employee so as my wife. We have a kid 1 year old pa lang po. We are looking at getting a car for our family. Ako po ang namimili, financing po ito. 20% lang po ang kaya naming i-down at 5 years po sya. Ang choices po namin (kasi nag-agree naman ang misis ko) ay as follows (naka rank na din po sya):
1. Hyundai Accent 1.4 6MT -gusto po ito ng misis dahil sa looks, range ng colors at power (base po sa papel), kaso madami po akong nababasa na may problema sa HARI sa support.
2. Kia Rio 1.2 LX - gusto ko po ito dahil sa looks, kaso white and silver lang available ang base. pogi talaga kasi to kaso gusto ng misis ko black.
3. Mirage Hatch GLS MT -ok naman sya, maliit nga lang. maganda yung features.
4. Toyota Vios J -reliable, not a big fan of the looks ng new vios (sorry po), may naririnig po ako sa mga driver ng taxi na palagi syang nago-overheat parang ok lang din last resot namin to.
Eto po sana ang requirements namin:
1. May enough space for me, my wife, and my baby. Tatlo pa lang po kami for now pero plan is to have 3 kids.
2. Fuel Efficiency, hindi naman po malaki ang kita naming dalawa, kaya gusto namin ng matipid.
3. Comfort, one time purchase po ito so yung pinaka kumportable po ang gusto namin.
4. Value for money, mas madaming features mas maganda
5. Safety, ayoko naman po icompromiso ang pamilya ko
6. Power, gusto ko po yung kaya po kami dalhin sa probinsya namin.
7. Matibay, ayoko po sana maglabas ng madaming pera sa maintenance.
Sana po matulungan nyo ako. Low budget lang po kami, hindi po namin kaya mag stretch ng budget. Salamat po in advance