
Originally Posted by
mokie01
good day po sa inyo. newbie lang po ako dito sa tsikot, patulong naman po mga sir. ano po ang car na pwede niyo pong marecommend worth 350-430k po. second hand. ang importante lang po sa amin ay ung fuel efficiency, hindi po masyadong masikip, madali pong mamaintain, comfort at syempre po yung looks. service lang po namin ng ate ko dito sa manila.
nakapagsearch na rin po kami, ang mga choices po namin sa ngayon ay:
i10 - dahil may mga 2009 model naman na pong available sa range ng price nito, at dahil madalas kaming 2 lang naman po ng ate ko ang gagamit nito.
avanza - choice po ito ng mother ko, dahil may nagoffer po sa kanya sa bdo nito. ok na rin po ba ito?
jazz - ang problema lang po kasi dito ay makakakuha nga po kami pero old(2004-2006) model naman na po. sa tingin niyo po ba ok pa rin pong bumili ng jazz kahit luma na?
suggest rin po kayo kung ano pa po ang maganda na pasok po sa budget namin.
wala rin po ako masyadong alam sa cars kaya patulong na lang po mga sir, salamat po.