Gandang umaga po sanyong lahat. Ako po ay nanawagan na kung sino man po sanyo ang makakapansin ng XLW502 Vios 2004 color metallic beige, ipag bigay alam niyo po agad sa ating kapulisan at sanyong lingkod (09166860753). Ito po ay lihitimong "Hot Car" dahil po ito ay naCarnap kanina lang pong madaling araw dito samin sa M.Ignacia Q.C.. Pinasok po ang kapitbahay namin ng magnanakaw at sa kasamaang palad, bukod sa laptop, camera, at mangilanngilan na gamit sa loob ng bahay ay pati ang susi ng kotse ay nakuha, na naging mitsa sa pagnanakaw pati ng sasakyan. Mga nakaraang buwan ay may napansin nakong nag vivideo sa tapat ng lugar namin. Isang binatilyo, 17 anyos pababa. Malamang isinagawa na nga nila ang kanilang plano gabi...

Nawa'y pag ibayuhin pa natin ang seguridad satin mga bahay hindi lang sa mga sasakyan at mag tulong tulong tayo sugpuin ang mga masasamang elemento sating lipunan.

Maraming salamat po.