good day sa inyo, matagal na ako nagbabrowse dito sa tsikot pero ngayon lang ako nag member.
pa-advice naman kasi balak ko bumili ng 2nd hand na kotse pampasok sana sa school. kaya lang hindi ako madecide kung hyundai sonata ba o mazda 323 ang bibilin ko.
yung hyundai sonata, 2001 model, LPG talaga no gas option galing ng Korea idinaan sa port irene. 120 ang benta sa akin. ayos naman, maganda pa labas, may ingay lang sa fan belt daw, crack ang wondshield at sira ang fuel gauge at kung bibilin ko ay papaayos naman nung may ari lahat. mejo madumi lang ang loob kelangan linisin ng mabuti. malakas aircon. power steering, power window, power lock. di ko lang masyado na check ang makina dahil di ako marunong tumingin. 2.4 ang makina.
yung mazda 323 glxi naman, nabasa ko sa mga thread na ayos naman ang performance, 1.6 dohc engine, abs, all power at ang price range niya ay nasa 120 to 170 din naman at yung mga nakikita ko sa classifieds ay maayos din naman.
ano kaya mas ok sa dalawa?
sa fuel economy, ok ba yung sonata na LPG pero 2.4 naman o mas ok ang 1.6 na gas?
maintenance
ano mas madali kuhaan ng parts at mura ang paggawa?
salamat




Reply With Quote



