2 all tsikoterong eksperto... pabakasyon kaming pamilya sa pinas in 3 months time.... ano sa palagay nyo ang magandang sasakyan para sa amin? i need a suv type, kaya lang hindi iyung masyadong mahal... atleast more or less 10 person capacity... ano sa palagay nyo, bibili na lang ako ng brand new o second hand na lang kaya?? in general sa situation ng bansa ano ba ang practical?sabi ng iba second hand na lang daw kasi bakasyon lang kami, what if we deside to stay for good. kung hindi stable ang kalagayan namin diyan, ano naman ang say-say ng pagtigil namin,siguradong mapipilitan kaming bumalik.... heyyy guys what do you think....?
Mukhang marami kayong sasakay. I suggest you go for a Van (Toyota Hi-Ace) kung practical ang usapan rather than buying a full sized SUV. Brand new is still the best (less maintenance) but if you think otherwise, maraming magaganda na 2nd hand basta huwag ka lang magmadaling bumili. Kelangan me kasama kang marunong tumingin ng sasakyan. Happy Vacation!!
my vote is Hi-Ace.. kung sa tingin nyo magsstay kayo sa pinas for good you can always sell the van and get a new one. kasi pagbumili ka ng bago then hindi naman kayo magsstay sa pinas for good ang laki ng lugi nyo sa presyo ng oto. so maganda e 2nd hand na lang kunin mo then just trade it in or buy a new one kung alam nyong stable na kayo sa pinas..
kung sandali lang kayo dito siguro 2nd hand na pregio na lang..iyon ang pinaka-mura na van na medyo matino.. i think you can get a 98-99 for more or less P200k.. kaysa yung mga surplus vans..i have a friend na bumili ng subic car, malas daw yun ..ewan ko medyo superstitious yun eh ehehehe! sabi ko kasi ayaw ng kotse na binabaligtad siya..ikaw kaya baligtarin ko ang arms mo kundi ka magalit ahahaha!
buy a 2nd hand Expedition na 4x2. The purchase price mo as a 2nd hand owner would almost be the same when you re-sell it. Konti lang naman ang maisesaye mo sa fuel dahil konti na lang difference ng gas and diesel.
hmmm... depends on how much your budget is. malaking difference ng bnew and 2nd hand car. to my knowledge, walang suv na kasya for 10 people (unless you guys don't mind being cramped like sardines) here right now, i might be wrong though. anyways if you really want a vehicle for 10 people, you're better off with a van.
Second hand ka na lang. Kung bakasyon lang naman kayo mas mabuti ang second hand kesa bago. Kung bago kasi ang bibilhin mo malamang baratin ka lang pag gusto mo na ibenta.
guys thank you sa lahat ng advice nyo.... marami akong matutunan niyan bago kami maka uwi... sakto kasing christmas time ang dating namin so mas ok kung may wheels kami.... maiba tayo. iyung sa subic cars ... bakit naman malas sabi ng kaibigan mo HERO? i share mo namn para at least aware ako... marami rin kasing nagsabi sa akin na mag try daw akong tumingin in that place.... again ty ha.
Well for me kung pang maramihan na sakay, Space Gear o Starex, kung full size SUV naman, 01 Pajero na bench type ang 3rd row seat, kung Expedition, ehhh bro enjoy mo na lng sa pagkain yung susunugin mong pera for the Gas.
Subic vehicles are not jinxed. Faulty conversion is what causes them to malfunction, especially in the chassis/steering part, which is thereby unsafe. Go for a locally sold van/SUV.
my friend kasi bought a pajero from those subic auction places..una ang saya niya, sabi pa nga na ok naman pala yung mga converted.. after a few weeks, minamalas daw siya kapag yun ang gamit niya..like sa business niya wala daw natutuloy ng transaction kapag gamit daw niya yun and aside from the frequent breakdowns ng car (its an old converted 2nd hand car what do expect diba?) .. kaya binenta niya got himself a new look starex instead ngayon ok na ulit ang business niya.. ehehehe
nga pala bro never buy subic, swertehan lng makatyempo ng perfect convertion, may nagsabi pa sa akin na bigla na lang daw mag la-lock steering mo, so imagine mo na lng kung mabilis ka at paliko at biglang mag-lock manubela mo, magsisi ka lang kung bakit ka pa umuwi ng pinas.